Kabanata 18

44.3K 2.2K 601
                                    

Kabanata 18.

Flare

"What are you reading?" Mabilis na itiniklop ni Icca ang aklat na binabasa niya't umiling na lang.

"It's just a novel." maikli niyang sagot bago ako ngitian.

"About what?"

"About a cold hearted man falling in love with a hot- tempered woman. The usual. Alam mo na 'yong mga gas-gas na story line ngayon." Napataas kaagad ang kilay ko dahil umiiling-iling siya't parang dismayado.

"If you dislike it, why read it?" Hindi siya nakasagot kaagad kaya naigulong ko ang mga mata ko.

Kung masyadong gas-gas sa paningin mo ang kuwento, bakit mo pa babasahin? The author is not even forcing you to read it.

"Well, it's just my opinion. It's too cliché." Kinuha ko ang aklat sa mesa niya't binuklat ang unang pahina nito.

"Look," Pinakita ko sa kaniya ang nakasulat na mensahe sa unang pahina ng aklat. "The author warned you not to read it if you think it's too cliché," Binalik ko sa kaniya ang aklat bago pinabukol ang dila ko sa loob ng pisngi ko.

"Yes, everyone has their own opinion, but if you think your opinion could only hurt and insult others, it will be better if you keep it to yourself," Hilaw itong tumawa dahil sa tinuran ko't kapagkuwan ay napakamot na lang ng batok.

"Isa pa, hindi mo pa nga natatapos basahin, hinuhusgahan mo na kaagad. Kung gusto mo gumawa ka ng sarili mong storya, ipabasa mo sa akin at huhusgahan ko rin. Kapag cliché 'yan isasampal ko 'tong makapal na aklat sa mukha mo."

"Oo na. Ang seryoso mo naman masyado." pagsuko niya.

Hindi rin naman kawalan ng manunulat. Kawalan ng mambabasa. If you dislike it, or you find it too boring and cliché as it is, might as well ditch it and never read it. Kung babasahin mo pa rin, at magrereklamo ka pa, sinong baliw?

"Flare, bakit nga pala pumunta rito sa Silid Aklatan? Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Nagkibit-balikat na lang ako.

Dalawang araw na ang nakakalipas simula ng naganap na Palace Ball. Naging usap-usapan kaagad ang nangyari sa loob ng Elysian Empire. Lahat yata ng estudyante saan mang lupalop ng Akademia ay kilalang-kilala kung sino ako.

Of course, news spreads fast like a light. Ngayon ay kung ituring ako ng mga estudyante rito'y parang isa akong myembro ng pamilyang may dugong bughaw. Sa tuwing daraan ako'y yuyuko sila't babatiin nila ako ng bukal sa kalooban.

Pero syempre, may iilan sa kanila pa rin ang kung umasta'y akala mo kung sino. A lot of students may like me, but there are tons of them who also dislikes me. Especially those people from the Hall of Fames. My existence triggered their ranks and positions.

"Ayos lang ako, Icca. Pero sa tingin ko mas aayos ang pakiramdam ko kung mahahanap ko ang estudyanteng kasabwat ng apat na 'yon." Natahimik siya muli sa sinabi ko.

Kung iisipin, imposible na walang naging kasabwat ang apat na babaeng 'yon. Naniniwala akong may isa o dalawang estudyante mula rito ang tumulong sa kanila upang maisagawa ang plano nila. Paano nila malalagyan ng bone softening powder ang alak na iinumin namin kung hindi isa sa mga servers ang naglagay nito?

It could be the palace maids or servants, but my gut is telling me it's one of the students.

"Saan ka pupunta?" Tinaas ko ang kamay ko't kinaway-kaway 'yon habang nagpapatuloy sa paglalakad papunta sa nagtataasang aklatan.

Wala pa masyadong tao rito, ito ay marahil nagsisimula na ang klase. Tumakas lang naman ako sa Silid Pagamutan kaya ako narito. Isang linggong pagpapahinga ang ibinigay sa akin dahil sa poisons and toxins na pumasok sa katawan ko.

Elysian Tale: Flare of FrostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon