Eighteen

63.4K 1.1K 64
                                    

Ready-ng ready na si Erin para sa dinner nila ni Vin. Ang sabi sakanya ng lalaki ay susunduin siya nito sa unit niya ng six pm at fifteen minutes nalang bago mag-six kaya naman ay narito na siya at naghihintay sa may living room.

She's wearing a knee-length navy blue dress and just tied her hair in a bun. Nag-apply lang siya ng kaunting make-up at tanging suot niya lang na alahas ay ang kwintas na bigay ni Vin sa kanya. Ayaw naman niyang mag-overdress dahil baka ano pa ang isipin ni Vin sakanya. Tutal, dinner lang naman ang sabi nito. Normal lang na dinner para rito dapat sakanya rin kahit na tila lalabas na sa dibdib ang puso niya sa lalas ng pagkabog nito.

Hindi na niya mabilang kung ilang beses na ba siya nagpakawala ng hininga para pakalmahin ang sarilo. She is excited. It just feels like her crush invited her for a date. Tinignan niya ang orasan at nakitang six na. Hindi niya maiwasang magtaka kung nasaan na ba si Vin. Kadalasan kasi ay maaga itong dumadating pero naisip niya na baka ay na-traffic ito o kaya ay male-late lang talaga. Besides, it's only six pm. She's just too excited.

--

Hindi mapigilan ni Erin na manlumo. Na-cancel kasi ni Vin ang dinner nila dahil may nangyari sa opisina.

It's already seven in the evening and her stomach is already grumbling. Wala parin si Vin. Hindi niya maiwasang mag-alala, paano kung may nangyari dito? Paano kung naaksidente ito?

Pilit niyang tinataboy sa isipan niya ang mga hindi magandang ideya. Kanina pa niya tinetext si Vin, pero hindi ito nagrereply. Gutom na siya, pero mas nananaig ang pag-aalala niya kay Vin.

She's now calling him but he won't pick up. His phone just kept ringing and ringing. Lalong binundol ng pag-aalala ang dibdib niya. She tried calling him again, she swears that if he doesn't pick up this call, she's asking for help-

"Vin!" sigaw niya nang sagutin na nito ang tawag niya.


"Erin, I'm sorry! Nawala sa isip ko iyong dinner natin. May nangyari kasi..." sagot nito sa tinig na parang pagod na pagod ito.

"Ayos ka lang ba? Ano'ng nangyari?" sunod-sunod na tanong niya rito.

"Ayos lang ako.." she sighed in relief nang malamang maayos lang ito. Iyon ang mahalaga ngayon.

"Thank God. Akala ko kung napaano ka na. I was calling and texting you several times."

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Vin at impit na pagmumura nito. "I know, ngayon ko lang tinignan ang phone ko. I'm really sorry, Erin."

Nagtaka naman siya kung bakit biglang hindi ito nakasipot sa dinner nila. Unless.. "May nangyari ba?"

"Believe me, I was about to go to your unit. Galing ako sa isang flower shop nang may makasalubong akong lalaki na may kinakaladkad na babaeng umiiyak so I kind of help her at heto nga nandito ako ngayon sa police station." he sighed after his long explanation.

Lalong nanlumo si Erin dahil sa dahilan ni Vin. Sabi na nga ba niya, ganito ang mangyayari. Vin seldomly forgets about his meetings unless may emergency sa trabaho o kaya may kailangan ng tulong niya.

Hindi lang niya maiwasang makaramdam ng sakit sa puso dahil nakalimutan siya nito dahil sa ibang babae. She knows that it's selfish of her to think that, knowing that Vin just wants to help but still, it pains her.

Maya karapatan naman siguro siyang masaktan at magtampo lalo na sa kalagayan niyang gutom dahil nakalimutan ang dinner nila. Kaya heto siya at kumakain mag-isa sa restaurant ni Jeremiah.

It Might Be You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon