Sixteen

64.2K 1.1K 46
                                    

Nagising si Erin nang makaramdam ng pagkulo ng tiyan. Tatayo na sana siya nang maramdaman niyang parang may mabigat sa kandungan niya kaya naman nang pagkayuko niya ay saka niya lang naalala na nakatulog narin pala siya nang nasa kandungan niya ang ulo ni Vin.

Tinignan niya ang oras sa wall clock niya. Seven am. Inaantok pa siya pero at the same time nagugutom narin. Dahan-dahan niya sanang aalisin ang ulo ni Vin nang tumagilid ito ng higa at yakapin siya sa bewang dahilan para matigilan siya sa gagawin.

Hindi muna siya gumalaw dahil baka magising si Vin. Alam niyang pagod sa night-out nilang mga lalaki kagabi. Naghintay muna siya ng ilang mga minuto bago subukang iangat ang ulo muli ni Vin pero bago pa man siya makatayo ay mabilis namang sumiksik si Vin sa may tiyan niya at hinigpitan ang yakap sakanya.

Nagsalubong ang mga kilay niya.

Gising na kaya ito?

Sinubukan niyang muli iangat ang ulo ni Vin pero ganoon muli ang nangyari. Nagsumiksik ito sakanya at hinigpitan ang yakap sa bewang niya. Naningkit ang mga mata niya at walangsabing yumuko at hinipan ang tenga nito. Mabilis namang napahiyaw si Vin at napabalikwas mula sa pagkakahiga. Gusto niya sanang tumawa nang mahulog ito sa sofa pero naiinis siya kasi pinagtitripan siya nito. Kanina pa pala ito gising!

"Erin naman eh!" Reklamo ni Vin habang nakatayo sa harapan niya at sinusundot-sundot ang kaliwang tenga na hinipan niya.

Sumimangot siya at pinagkrus ang mga braso sa dibdib niya. "Kanina ka pa gising,ano?!"


"H-Hindi ah! Nagising lang ako ngayon-ngayon lang." Tanggi nito pero she knows him. Alam niyang nagsisinungaling ito.

"At kailan ka pa nakalusot sa pagsisinungaling mo sa'kin Vicente? Sumagot ka ng maayos."

Napabuga nalang ito ng hininga at naupo muli sa tabi niya. "Oo na, kanina pa ako gising."

"Define kanina." Utos niya rito.

Natawa ito sa inutos niya. "Hindi ka talaga maisahan,ano? Mag-iisang oras na akong gising."

Nagulat siya sa sagot nito. Kanina pa pala ito gising, ni hindi man lang umalis sa kandungan niya! Ang bigat kaya ng ulo nito!


Malakas na pinalo niya ito sa balikat. "Kanina ka pa pala gising! Tapos nagtutulug-tulugan ka pa! Chinachansingan mo pa ako!" Inis na sabi niya rito.

Mabilis namang umiiwas si Vin sa bawat palo na ibinabato niya rito at bigla nanamang humiga sa kandungan niya at tinignan siya ng diretso na nagpatigil sa kamay niya sa ere.

"Papaluin mo pa ako?" Parang bata na tanong nito sakanya.

Inis na napabuga nalang siya ng hininga at sumandal nalang sa sofa. Wala pa siyang lakas para makipagtalo rito kay Vin kaya hinayaan nalang niyang gawing unan nito ang mga hita niya.

"Sorry na." Malambing na sabi nito.

"Oo na. May magagawa pa ba ako? Bakit hindi mo man lang ako ginising kasi nang magising ka? Nangangawit kaya ang leeg ko!" Reklamo niya rito.


"Kasi ang sarap mo titigan mula rito." Seryosong sagot ni Vin.

Dugdug. Dugdug.

Bwisit ka naman heart eh! Kay aga-aga pinapagulo mo nanaman ang sistema ko!

"Ang ganda mo pa lalo kapag tulog. Mukha kang anghel. Pero siyempre mas maganda ka kapag ngumingiti ka." Dagdag ni Vin na nakangiti na ngayon.


It Might Be You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon