Fifteen

63.5K 1.2K 61
                                    

"Gago ka talaga, Dominico!" Asik ni Vin sa kaibigan. Kanina pa tingin ng tingin si Vin sa phone niya dahil hindi parin nagrereply sakanya si Erin. Paano ba naman, bigla nalang inagaw ni Mico ang phone niya, sabi makikitext daw ito sakanya kaya hinayaan niya nalang, iyon pala tinext na si Erin ng 'I love you' at hindi lang iyon, nilagyan pa ng heart shape ng gago! Ang bakla lang!

"Pasalamat ka nga sa'kin dapat, Vicente eh!" Tatawa-tawang sabi sakanya ni Mico.

"Ang baho ng pangalan mo, ulol!" Ganti niyang muli.

"Mas mabaho ang iyo, gago!" Pabalang na sabi naman ulit nito.

Malakas na pumito si Dylan gamit ang dalawang daliri na nilagay sa bibig nito. "Tama na. Parehas lang mabaho ang pangalan ninyo mga gunggong!" Asar nito sakanilang dalawa ni Mico at sabay pa na nagsitawanan sina Jeremiah,Marco at Dylan.

Tinignan niyang muli ang phone niya kung nag-reply na ba si Erin. Nang mabasa niya kasi ang tinext ni Mico ay mabilis na tinext niya si Erin na si Mico ang nagtext rito. Kinabahan siya ng sobra dahil sa ginawa ni Mico. Paano nalang kung iwasan siya ni Erin dahil lang nasabi niyang mahal niya ito kahit sa text lang? Hindi niya ata kaya iyon. Nag-iipon pa siya ng lakas ng loob at may tamang panahon para umamin siya.

Napatuwid siya ng upo nang marinig niyang tumunog ang phone niya na nakapatong sa lamesa. Kukuhanin sana uliy iyon ni Mico pero mabilis niyang tinulak ang mukha nito.

"Aray! Sobra ka na ah!" Singhal sakanya ni Mico.

"Tigilan mo ako, Dominico." Sabi niya rito at tsaka binasa ang text ni Erin.

-

From: Erin Romualdez

Okay lang. :)

-

Nakahinga siya ng maluwag nang mabasa ang reply ni Erin. Mabuti nalang at hindi ito nagalit o napikon sa kalokohang ginawa ni Mico. Tinext niya ulit si Erin.

-

To: Erin Romualdez

Pasensya na ulit. Matutulog ka na ba?

-

"Alam mo, Vin. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ayaw mong umamin na kay Erin." Kausap sakanya ni Dylan habang pinapapak ang chicken wings sa harapan nito.

Bumuntong-hininga nalang siya. Marami kasing kailangang ikonsidera eh. Para sakanya, importante ang pagkakaibigan nila ni Erin. Paano nalang kung masira ito dahil sa pag-amin niya? Kailangan niya munang makasiguro.

"Hindi pa kasi ngayon." Sagot nalang niya.

"Bahala ka na nga. Gusto man naming makealam, pero tutupad kami sa pangako sa iyo na hahayaan ka naming dumiskarte." Sabi ni Marco.

"Hindi ko naman kasi kailangan ng tulong niyo." Naiinis na sabi niya sa mga ito.

"Tangina naman kasi, 'pre. Mag-dadalawang taon na iyang pagmamahal mo kay Erin. Hindi pa ba kinakalawang iyan sa kaloob-looban mo?" Natatawang sabi ni Jeremiah.

Napangiti nalang siya at umiling habang sumimsim sa beer niya. "Kahit kailan, hindi mangangalawang ang pagmamahal ko sakanya."

Mabilis na tinawanan lang siya ng mga kaibigan niya. Napailing nalang si Vin, akala mo kasi kung sinong hindi mga under ng mga asawa kung makapangbuska sakanya. Sabagay, kapag sila-sila lang talagang mga lalaki ang magkakasama ganito sila ka-gago at mayayabang. Ganoon naman talaga sila at hindi uso sakanila ang pikunan.

It Might Be You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon