Twenty-one

62K 1.3K 198
                                    

Gulat na napatingin si Vin sa kapatid niyang si Vaileen na bigla-bigla nalang sumulpot sa opisina niya.

"No!" tanggi niya sa kapatid.

Lumabi si Vaileen sakanya pero hindi siya magpapadala rito at napansin ata ng kapatid niya na hindi na uubra sakanya ang pagpapaawa nito ay mabilis na humilig ito sa balikat niya at niyugyog pa ito. Hindi tuloy niya matapos pirmahan ang mga papeles na nasa harap niya.

"Sige na kuya! Isang gabi lang naman!" kumbinsi pa sakanya ng kapatid niya.

"Sinabi nang hindi eh. Huwag ka nang makulit." mahinahong sagot niya sa kapatid.

Kanina, nagtataka siya kung bakit pumunta si Vaileen sa opisina niya gayong madalang lang talaga ito pumunta. Mas ikinagulat niya nang may dala pa itong pagkain para sakanya. Doon na siya naghinala na may kailangan sakanya ang kapatid niya, at heto nga kinukumbinsi siya nito na payagaan niya itong mag-overnight sa kaklase.

Pinalo siya ni Vaileen sa balikat. "Ang KJ mo talaga kuya! One night lang naman eh." reklamo pa nito.

Bumuntong-hininga siya. "Hindi nga ako papayag, Vai. Kung gusto mo, sa bahay nalang kayo mag-overnight ng mga kaklase mo."

Bumitaw si Vaileen sa braso niya at umupo sa mahogany desk niya. "Mas malapit kasi ang bahay ni Darlene sa university. Tsaka all girls naman kami eh. Sila Mommy nga pumayag na eh, ikaw nalang."

Napapalatak siya. He doubt that his parents agreed to his sister. Mautak iyang si Vaileen, kapag sakanya nagpapaalam sinasabi nito na pumayag na ang parents nila, pero kapag nagpaalam naman sa parents nila ay sinasabing pumayag na daw siya.

"The answer is still a no." seryosong sabi niya sa kapatid.

"Nakakainis naman! I'm calling ate Erin! Sakanya nalang ako magpapaalam." sabi ni Vaileen habang may pinipindot na sa cellphone nito.

Sumandal si Vin sa swivel chair niya at tinignan ang kapatid. "Bakit mo tatawagan si Erin? Siya ba ang kapatid mo? At bakit ka sakanya magpapaalam?"

Without looking at him, his sister answered. "Because... she's more understanding than you. Tsaka kapag pumayag si Ate Erin, papayag ka narin! And she's my sister na kaya... well, soon to be palang kasi girlfriend mo palang siya." sabi nito at itinapat na sa tenga ang phone habang tinignan siya at nginisian. "Seriously kuya, ang bagal mo talaga! Kung hindi ka lang torpe, baka by now may pamangkins na ako!"

Napapailing nalang siya sa kapatid niya. He just continued signing the papers on his desk while Vaileen is still waiting for Erin to answer the phone.

"She's not picking up." sabi ni Vaileen habang nagpipipindot muli sa phone.

"Kasi nasa reunion siya. So stop bothering her, walang overnight for you." nakangising sabi niya sa kapatid.

Umungol si Vaileen bilang protesta sa sinabi niya. Hindi nalang niya ito pinansin at tinapos na ang mga dapat pirmahan nago ipasa sa sekretarya niya. He stretched his arms and body then inakbayan na niya ang kapatid na malaki ang simangot sa mukha. He pinched her nose.

"Tara, meryenda tayo." aya niya sa kapatid.

Tumango lang ito at patuloy sa pagpipindot sa phone nito. He just sighed. Teenagers and their gadgets. He thought.

They went on a nearby café.

"Ano'ng gusto mo?" tanong niya sa kapatid.

"Oreo cheescake and strawberry smoothie please." sagot nito.

Tumango nalang siya at pumila sa may counter. While he was scanning the menu board, may tumapik sa balikat niya upang siya ay mapalingon.

"I knew it was you!"

It Might Be You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon