Nineteen

62.2K 1.3K 86
                                    

"Hello? Colyn, oo nandito na ako sa unit ko. Huwag kang OA, hindi ako magsusuicide. Bye." paalam ni Erin sa kaibigan at tsaka niya tinapos ang tawag nito. Iiling-iling nalang siya habang nilalagay ang phone niya sa bag.

It's past twelve midnight na nang maisipan niya nang umuwi. Nawili kasi siya sa kwentuhan nila ni Colyn kaya late na siya umuwi. At ito namang kaibigan niya, akala niya ay matino-tino kumpara kay Ellaine, iyon pala ay parehas lang rin. Simula nang makasakay siya sa kotse niya para umuwi ay maya-maya ang tawag nito just to check on her. Baka raw magsuicide siya o kaya ay pumatay ng tao. Baliw na talaga ang mga kaibigan niya.

She was busy digging her bag to get her keys nang mapansin niyang may isang lalaki sa hallway. Medyo malayo pa siya sa kanyang unit, but she has a hunch kung sino ang lalaking nakaupo sa tabi ng unit niya. Just to make sure, she went near the man and when she got a better view, she was surprised to see Vin sleeping beside her unit's door.

Naglaho ang tampo niya nang makita ang kalagayan ni Vin. Hinintay ba siya nito? Obvious naman na oo ang sagot sa tanong niya. Pero ilang oras na kaya ito naghihintay sakanya?

She squatted infront of the sleeping man. She sighed. Kanina lang ay ang laki ng tampo niya rito, pero seeing him right now just made it go away. How can she be mad at this man infront of her? She just admitted to herself that she's falling for her own superman.


Napangiti siya dahil gumegewang ang ulo nito, pero mabilis na napawi ang ngiti niya nang makita ang pasa sa gilid ng labi nito. Ano ba'ng nangyari dito?

She cupped his face and caressed his cheek with her thumb. Vin stirred for a moment and then his eyes were opening.

"Erin?" mahinang usal nito.

"Bakit ka dito natulog? Mukha kang sira-ulo. Tayo ka na, pasok na tayo sa loob." sabi niya rito.

Tinulungan niyang tumayo ito mula sa pagkakasalampak sa sahig. Kinuha ni Vin ang mga plastic bags na dala nito habang binuksan naman niya ang pinto ng unit niya.

"Late ka ata umuwi?" tanong sakanya ni Vin mula sa likuran.

Inilapag niya sa counter ang bag niya at dumiretso sa kusina. She poured herself a glass of water and drank it straight. Sumunod pala sakanya si Vin and now he's leaning on the counter.

Nilagay niya ang baso sa kitchen sink tapos ay sumandal siya roon nang harapin niya si Vin. "I went out to eat and napatagal ang kwentuhan namin ni Colyn." sagot niya sa tanong nito kanina.

Biglang nagbago ang ekspresyon ni Vin. Bigla itong tumayo ng maayos at nilapitan siya. Hinaplos ni Vin ang braso niya - his gesture kapag nanunuyo ito sakanya. Biglang nagtaasan ang balahibo niya dahil sa paraan ng paghaplos nito. Mabagal, nakakapanindig-balahibo.

"I'm sorry talaga, Erin. Hindi ko sinasadya. Hindi na mauulit, promise!" sabi nito kasabay ng pagtaas ng kanang kamay.

Nginitian niya si Vin. Oo, nagtampo siya rito pero agad na nawala iyon dahil nandito na ito kasama niya. She reached for his bruise, at nang hawakan niya iyon ay napangiwi ito.

"What happened?" nag-aalalang tanong niya rito.

Kinuha ni Vin ang kamay niya at pinagsiklop ang mga daliri nila. "Nasuntok ako nung boyfriend ng tinulungan ko."

Napakunot ang noo niya. "Ano ba talaga ang nangyari?"

Hinila naman siya ni Vin para maupo sa may dining table. Kinwento naman nito ang mga nangyari habang siya ay nakikinig ng mataman.

It Might Be You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon