Twenty-four

68K 1.1K 46
                                    

Matapos ang dinner party ni Dylan ay nagpaalam narin ang mga kasama nito sa trabaho kaya naman tanging sila nalang magbabarkada ang natira. Ang mga babae ay nasa may loob ng bahay kasama ang mga anak nina Mitch at Colyn, habang ang mga lalaki ay nagpaiwan sa may garden upang mag-inuman.

Nakaupo sila sa may maliit na gazebo sa garden nina Dylan.

"Kayo ba talaga ni Erin,Vin?" unang nagtanong si Marco.

Alam na ni Vin na maraming mga tanong ang nasa mga utak ng mga kaibigan niya, nahihiya lang magtanong kanina dahil naroon ang mga babae.

"Hindi." tipid niyang sagot bago tumungga sa bote ng beer niya.

"Ha? Ang gulo, bakit kanina sinabi mo sa harap namin na kayo?" kunot-noong tanong ni Jeremiah.

Bumuntong-hininga si Vin at ginulo ang buhok. "Eh kasi, nandoon si Baro. Alam niyang kami ni Erin."

"Iyon lang ba, o baka naman nagseselos ka?" tanong ni Mico.

"Hindi naman sa nagseselos ako, ayoko lang na may pumasok sa isip niya na pwede niyang pormahan si Erin."

Hindi naman siya nagseselos talaga. Mas tamang sabihin na naiinis siya kay Baro. Oo, kaibigan naman niya iyon nung college. Pero matagal na iyon, walang Erin na involved. At kilala niya si Baro, parehas lang sina Dylan at Baro noong college. Mga palikero. Ayaw naman niyang husgahan agad si Baro, pero nang halikan nito basta basta si Erin sa labi, to think na after two years ay noon lang ulit sila nagkita, ay naalerto siya na hindi dapat mapalapit kay Erin.

"Ano ba kasi ginawa ni Baro? Nag-sorry siya kanina kay Erin." usisa ni Dylan.

"Hinalikan niya si Erin sa labi! Tangina pare, gusto kong kuskusin ang labi ni Erin ng sabon para lang matanggal ang halik ni Baro!" naiinis na sagot niya tapos ay inisang tungga ang beer.

"Pucha! Naunahan ka pa nun? Ang bagal mo naman ata Vin!" kantiyaw sakanya ni Mico na sinamahan pa ng tawa ni Jeremiah.

Matalim na tinignan niya ang dalawa pero hindi man natinag ang mga ito dahil nag-apir pa at lalong humalakhak.

Tinapik naman siya ni Marco sa balikat. "I hate to say it, but I agree with these two." tukoy nito kina Mico at Jeremiah na nakangisi nang nakaloloko sakanya.

Inis na tinanggal niya ang kamay ni Marco sa balikat niya. "Hindi kasi ako katulad ninyo na ipinipilit ang sarili sa babae, I take things slow."

"Whoa! Foul iyan pare! Hindi kami namimilit ng babae." depensa ni Dylan.

Inirapan niya nalang ito at uminom lang sa beer niya at tumingin sa kawalan.

"Ang hirap kasi sa'yo, ang torpe mo. Tangina, ang galing mong mag-advice sa'min noon pero sa sarili mo hindi mo magawa? Nasaan na ang sinasabi mong love is a risk?" sermon sakanya ni Mico pero alam niyang seryoso na ito sa sinasabi.

"Mahirap kasi ang sitwasyon ko kumpara sainyo, sa'min ni Erin...nauna kaming maging magkaibigan. Baka mailang siya sa'kin kung sakaling umamin man ako."

"Tingin ko naman may gusto rin sa'yo si Erin." komento bigla ni Jeremiah.

Lahat sila roon ay napatingin bigla kay Jeremiah.

"Gago ka dude, huwag mong paasahin ang manok natin." sabi ni Marco.

Umiling si Jeremiah. "Tingin ko lang naman eh. Ewan, naalala mo iyong hindi ka nakarating sa dinner ninyo ni Erin kasi nagpaka-knight in shining armor ka? Sa restaurant ko kasi siya kumain tapos nag-usap sila ni Colyn. Ewan nakwento lang sa'kin ng asawa ko na naiinis nga sa'yo si Erin tapos umiyak pa daw kasi mas inuna mo ang ibang babae kesa sakanya." matapos magsalita ni Heremiah ay nagkibit balikat nalang ito at tsaka ininom ang beer nito.

It Might Be You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon