Epilogue

105K 2.1K 208
                                    

"Are you nervous?"

Tumango si Erin bilang sagot sa tanong ng pinsang si Polly. She really can't believe it. Parang ang bilis ng panahon. Just six months ago, siya ang maid of honor sa kasal ng pinsan pero ngayon, right at this moment, siya na ngayon ang nakakaramdam ng nerbiyos na naramdaman ni Polly dati.

"Maybe baby Vera can help ease your anxiety." sabi ni Ate Helga nang pumasok ito buhat ang kaniyang anak na si Vera. Just five months ago, she gave birth to their little angel, Vera Rae Fortez.

Hindi niya makakalimutan ang itsura ni Vin nang una nitong masilayan ang baby girl nila. There were tears streaming down on his face. Everyone was happy, pero siguro siya ang pinakamasaya nang panahong iyon. Seeing everything's going well, she gave birth, her family is well, she fixed her issue with Polly and she is engaged. What more could she ask for?

Kukunin niya sana si baby Vera pero hindi siya hinayaan ni Ate Helga. "Baka magusot ang gown mo. Kiss mo nalang siya."

Ngumiti siya at kinuha ang maliit na kamay ng anak niya at nilaro-laro iyon. "Baby! Kakasal na sina Mama at Papa. I love you! Behave ka muna kay Tita Helga, ha?"

Tumawa siya nang may lumabas na tunog mula sa bibig ng anak na akala mo'y sinagot ang tanong niya. She can't help but kissed her daughter several times resulting some smudges of her lipstick on her daughter's face.

"Ready na ang entourage." sabi ng wedding coordinator niya.

Lumabas na sina Ate Helga para pumila. Siyempre, hindi mawawala sa entourage ang anak nila. Lumapit sa kanya si Colyn para ayusin ang wedding gown niya. After manganak ni Colyn sa anak nitong si Calvin ay nagpahinga lang ito ng iilang linggo tapos ay nag-umpisa nang i-design ang wedding gown niya.

She is wearing right now a Silver velvet ball gown that is accentuated with white lining with ruby crystals embroidered on it. Her hair is pulled up in a french bun to show the fine cut of fabric on her back. All in all, her gown looks simple but majestic.

"Ready?" tanong sakanya ni Ellaine.

"Matagal na." sagot niya.

Iniabot sakanya nito ang isang bouquet ng white dandelions na pinili niyang maging bulaklak sa bouquet niya.

"Places everyone!" sigaw ng wedding coordinator niya na may kasabay pa na palakpak.

Pumwesto si Polly sa harapan niya. Ito rin ang matron of honor niya. Her cousin smiled at her and held her hand just to assure her that everything's going well. Tumango siya at pumikit para pakalmahin ang sarili.

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya nang makitang siya nalang ang hinihintay na lumabas mula sa pinto. She breathed several times to calm herself. This is it. This is the moment she've been waiting for. Five months rin nilang hinintay ang wedding na ito and she wants it to be just like what she have imagined.

"Kaya mo ito, Erin. Ikaw ang reyna ngayon at hinihintay ka na ng hari mo." sabi niya sa sarili nang marinig niya na ang cue niya.

Time, I've been passing, time watching trains go by

All of my life lying on the sand, watching seabirds fly

Wishing there would be someone waiting home for me

The moment the doors opened, agad niyang nakita ang mga mata ni Vin. Just like before at Polly's wedding kaya lang ang pinagkaiba ay ito na ang naghihintay sa dulo ng aisle para sakanya.

Adie and Marco's voices were soothing. Masaya siya dahil nandiyan ang mga kaibigan niya na talagang tinulungan sila sa wedding nila ni Vin. Kahit na halos kasabayan niya lang rin manganak sina Adie at Mitch, heto at tumulong parin sila.

It Might Be You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon