Seven

68.2K 1.3K 99
                                    

"Hindi ka parin kumakain ng okra?"

Nilingon ni Erin si Bobby na nasa tabi na pala niya sa may buffet table. Pagkatapos kasi nila kantahan ang Lola Gertrude niya ay nagsibalikan na sila sa kaniya-kaniyang lamesa at heto ulit siya sa buffet table at kumukuha pa ng pagkain.

Nginitian niya si Bobby. "Oo, hindi ko talaga magustuhan ang lasa."

Bobby smiled at her exposing his chinky eyes. "You're still the same Erin, I guess."

"Yeah. So, paano kayo nagkakilala ng pinsan ko?" Tanong niya rito. Nagtataka talaga siya kung paano napikot ay este nagkagustuhan si Bobby at ang pinsan niya. Like seriously, they are the exact opposites.

"Well, we met at a seminar sa may Camarines Sur. I must say, she's really feisty. Parang ikaw."

Erin tried not to roll her eyes at what Bobby said. Siya? Parang pinsan niyan si Polly? Aba'y hindi naman ata makatarungan iyon.


"Alam kong medyo may ugali si Polly na hindi talaga madaling pakibagayan, but I love her." Nakangiting wika ni Bobby.

By the way Bobby looks while he's describing Polly, she knows that his love for her cousin is true. Kilala niya si Bobby, ex nga niya ito 'di ba? Alam niya na hindi lolokohin ni Bobby si Polly. Baka nga pinsan niya pa ang gumawa nun.

She grinned at her thought.

She's happy that there's one person that can stand Polly's attitude. Siya ngang kapamilya nito, hindi niya matagalan ang ugali nito eh.

"Babe!"

Speaking of the devil..

Lumingon si Bobby sa likuran nila at sino pa nga ba ang tumawag rito? Mabilis na tumabi si Polly sa tabi ni Bobby at hinalikan ito sa labi ng mabilis sa harap niya. She perfectly knows that Polly did it purposely. Para ano? Para inggitin siya? Pagselosin siya? Ha! As if! Sa puntong ito gusto niyang sumuka sa harap ng mga ito.

"Ano'ng pinag-uusapan niyo?" Malambing na tanong ni Polly kay Bobby bago siya nito balingan at pinagtaasan ng boses.


"Oh! I was just telling Bobby yung nangyari sa'yo nung highschool pa tayo! Naalala mo iyon? Iyong nalasing ka sa school canteen kasi nilagay niyo ng barkada mo ang alak sa bote ng C2?" Natatawang sabi niya.

Napangisi siya nang balingan ni Bobby si Polly na ngayon ay masama na ang tingin sakanya. Two can play this game.


"Isang beses lang naman iyon, hindi na naulit. And we all learn from our mistakes. Right, babe?" Tanong nito kay Bobby.


Bobby kissed Polly on top of her head. "Yes."

Isang malaking ngisi ang nakapaskil sa pagmumukha ng pinsan niya.

"Excuse me, Erin okay ka lang?"

Nakahinga siya ng maluwag nang maramdaman si Vin sa likod niya at ang kamay nito na yumakap sa bewang niya.

"Vin, right?" Tanong ng pinsan niya kay Vin.

"Yes." Magalang na sagot nito.

"It's still weird." Nakangiting wika ni Polly.

Napataas naman ang kanyang kilay rito. "And why is that?"

Imbis na sumagot agad ay nagkibit-balikat pa si Polly. "Ang bilis mo naman kasi magka-boyfriend. At ang sabi mo months narin kayo. Bakit ka pa nakikipagdate these past weeks?" Then Polly dramatically gasped. "Don't tell me Erin you're cheating on him?!"


It Might Be You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon