Two

85K 1.6K 156
                                    

Pagkapasok na pagkapasok palang ni Vin sa unit ni Erin ay agad na may natapakan siya na kung anong bagay. Yumuko siya at kinuha ang isang blouse nito na nakakalat sa sahig.

"Bakit ang kalat nanaman ng unit mo?" Tanong niya kay Erin habang pinagmamasdan ang magulong hitsura ng unit nito.

Lumabas naman ang dalaga mula sa kusina at may hawak itong isang bote ng tubig. "Nagmamadali kasi ako palagi kaya wala na akong oras para maglinis."

Napapalatak nalang si Vin at isa-isang kinuha ang mga nakakalat na damit nito sa sahig at sa sofa.

"Iwan mo nalang iyan diyan, Vin. Magpapalinis naman ako sa isang araw eh." Pigil sakanya ni Erin.

"Sa isang araw pa?" Tigagal niya. How can she survive with all of these mess?

"Oo, eh sa isang araw pa available iyong maglilinis." Sagot muli ni Erin bago lumundag sa sofa.

Hinila ni Vin patayo si Erin. "No, we're going to clean your unit. C'mon, take these to your laundry basket." Wika niya sabay abot sa mga damit nito na pinulot niya.

Napaungol naman si Erin sa utos niya. 'Eh! Bakit kailangan pa nating maglinis? Kaya nga ako nag-hire ng helper sa isang araw eh."

Kinuha ni Vin ang vacuum bago hinarap ang nagrereklamong si Erin. "Sige na, Erin. Ilagay mo nalang iyan sa laundry basket mo. Ako na ang magvacuum."

Napangiti naman ang dalaga. "Okay!" Masayang sabi nito bago siya talikuran at tinungo ang laundry room nito.

Nakangiting sinimulan naman niya ang pag-vacuum sa carpet ni Erin sa may living room. Hindi naman siya nagrereklamo dahil gusto naman rin niya ang ginagawa. Hindi narin siya pinipigilan ni Erin dahil alam nito na hindi naman siya magpapapigil.

Pagkatapos i-vacuum ang carpet ay dumiretso naman siya sa kusina at tumambad naman sakanya ang mga hugasin sa lababo. Napailing nalang siya sa nakikita.

Ah! Same old Erin. ,anang isip niya.

Isinuot niya ang rubber gloves na nakasabit sa holder na nakadikit sa dingding at sinimulan nang hugasan ang mga pinggan,baso at iba pa na nakatambak sa lababo.

"Vin?!" Rinig niyang sigaw ni Erin.

"I'm here!" Sigaw niya pabalik rito.

Maya-maya lang ay naramdaman na niya si Erin sa tabi niya. Nagsimula narin itong tumulong sa pamamagitan ng paglagay ng mga nahugasan niya sa lalagyanan ng mga ito.

"Hindi mo naman kasi kailangang gawin ito." Wika ni Erin sa tabi niya habang isa-isang inilalagay ang mga baso sa isang drawer.

"I can't stand the fact that you're living in a place that's messy." Sagot naman niya pagkatapos hubarin at ibalik ang rubber gloves sa pinagkuhanan niya.

Hinarap naman siya ni Erin pagkatapos ilagay na ang lahat ng kasangkapan nito sa kani-kanilang kinalalagyan. "Halika na nga, may cake ako sa ref. Kumain ka muna. Ipagtitimpla narin kita ng kape mo."

Nakangiting umupo naman si Vin sa isang high stool sa may bar counter nito. Alam talaga ni Erin kung paano makabawi sakanya. And he can't wait to taste her coffee again. Kuhang-kuha kasi nito ang lasa na hinahanap-hanap niya sa mga kape niya. Hindi naman nagtagal ay inihain na nito sa harap niya ang isang slice ng choco caramel cake at isang mug na may umuusok na kape.

"Thank you." Nakangiting sabi niya rito. Sinamyo niya ang amoy ng kape at talaga nga namang amoy palang ay alam niyang masarap na iyon. Dahan-dahan siyang humigop ng kanyang kape.

It Might Be You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon