Twenty

63K 1.1K 62
                                    

"Sige,Erin. Nice seeing you again." paalam ni Baro sakanya then he turned to Vin. Nakita niyang nagkamayan ang mga ito at seryosong nag-usap. Hindi niya naririnig ang mga ito dahil nakaupo parin siya at inuubos ang tiramisu niya.

Nang makaalis na si Baro ay binalingan niya si Vin na seryoso parin ang mukha. "Okay ka lang?"

Sandaling tinignan lang siya ni Vin at tinawag na ang waiter para kunin ang bill nila. Napansin siguro nito na tapos na siya sa kinakain niya.


"Hindi mo na ako kakausapin, ganoon?" taas-kilay na tanong niya rito.

Napabuga si Vin ng hininga at sinagot siya. "I'm just pissed, okay?"

Kumunot naman ang noo niya. "Bakit?"

Vin gave him a horrified look. "Really, Erin? You're asking me why I'm pissed?"

"Katatanong ko nga lang, 'di ba? At sa ating dalawa, ako dapat ang naiinis sa'yo, not the other way around." ingos niya rito.

"Bakit? Ano'ng ginawa ko sa'yo?"

Kinuha niya ang tinidor at dinuro ito kay Vin. "You! You just lied infront of Baro! Bakit mo sinabing girlfriend mo ako?"

Tumaas ang kilay ni Vin sakanya. "Bakit, hindi ba?"

"What? Siyempre sa harap lang iyon ng families natin! It doesn't mean na pati sa mga kaibigan mo ay pinapangalandakan mong girlfriend mo ako!"

Vin snorted. "Baro's not my friend."

"But still, magkakilala kayo." se pointed out. "Teka nga, why are you pissed again?"


"Grabe ka talaga, Erin." hindi makapaniwalang sambit ni Vin.

"Ano?" she impatiently asked.

"You just let Baro kissed you, that's why! Huwag mo ako'ng ma-ano-ano diyan! Tumayo ka na, uuwi na kita."

Pagkatapos sabihin iyon ay tumayo na si Vin nang ibalik na ng waiter ang card nito. She stood up and quickly followed Vin. "As if naman alam kong hahalikan ako ng mokong na iyon, ano!" sabi niya habang hinahabol parin si Vin na ang bilis kung maglakad.

Nang maabutan niya ito ay hinila niya ang braso nito. "Are you mad at me?"


Napapikit si Vin at bumuntong-hininga tapos nun ay kinabig siya nito payakap at hinalikan sa tuktok ng ulo niya. "Hindi ako galit sa'yo. Nainis lang ako dahil ang lakas ng loob ni Baro na halikan ka."

She smiled. Vin is so protective of her. Nakakatuwa at nakakakilig talaga. Too bad nga lang na kaibigan lang talaga ang tingin nito sakanya. Ang swerte talaga ng babaeng gusto nito.


"Okay ka na?" she eyed him.

He smiled at nodded. "Yeah. Let's go." he said and grabbed her hand and intertwined their fingers.

-----

"Bakit ang haba ata ng nguso mo diyan?" pukaw sakanya ni Adie.

Nandito siya sa bahay ng mag-asawang Montello para makikain. Wala siyang magawa kaya manggugulp nalang siya at para narin makita ang inaanak niyang si Ailee.

"Nakakatamad kasi ang life!" sabi nalang niya at kinuha sa crib si Ailee.

"Wala ka kasing love life kaya nakakatamad ang life." natatawang sagot ni Adie at umupo sa single couch.

Iniupo niya si Ailee paharap sakanya at hinawakan ang dalawang maliliit na mga kamay nito at tsaka nilaro-laro ang inaanak niya. "Hindi naman kasi kailangan ng love life. Ano. Ailee? Kaya, ikaw... huwag ka muna magboboyfriend. Baby ka pa.. ano?" kausap niya sa inaanak na tumatawa lang.


It Might Be You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon