Thirty-five [1]

64.4K 1.2K 42
                                    

Namamawis ang mga palad ni Erin dahil sa kaba nang pinagbuksan na siya ni Vin ng kotse. Kararating lang nila sa bahay ng mga Fortez at kinakabahan siya. Oo, alam niyang mabait ang kapamilya ni Vin pero nahihiya parin siya sa mga ito dahil sa pagpapanggap nila.




"Relax, Erin. Para namang hindi mo kilala ang pamilya ko." alo sakanya ni Vin. Kumapit siya sa braso nito. Gusto niya sanang hawakan ang kamay nito kaya lang parehong may bitbit si Vin na pagkain.



"Alam ba nilang pupunta tayo?" tanong niya.




"Hindi ko pa sinasabi."




Napamulagata siya. "Ano?!"




Mas lalong dinagundong ng kaba ang dibdib niya. Alam naman niyang alam ng pamilya ni Vin na hindi naman totoong sila noon kaya nga mas lalo siyang nakunsensya. Paano kung hindi na nila siya gusto? Ngayon pang mahal na niya si Vin.




"Hindi ko sinabi kasi baka magpa-fiesta si Mama kapag nalaman niyang kasama kita." natatawang sabi ni Vin.




Kita mo 'tong lalaking ito. Palibhasa pamilya niya kaya hindi ito kinakabahan habang siya ay halos maihi na sa kaba. Naglakad na papasok si Vin kaya wala siyang nagawa kung hindi sumunod narin rito.



Nakakatakot nga pala talaga ang meet the parents. Siyempre, gusto niyang maging boto sakanya ang parents ni Vin. Kahit na ba matagal na sila magkakilala, hindi parin siya dapat makasigurado. Maaaring magbago ang mga isip ng mga tao.





"Ma! Pa! Tao po!" sigaw ni Vin pagkapasok nila sa loob ng bahay.




"We're in the kitchen kuya!" narinig nilang sigaw ni Vaileen.



"Let's go." aya sakanya ni Vin.



Hinila niya muna ang braso ni Vin. "Wait lang."




Vin chuckled and then gave her a peck on the lips. "Okay ka na?"




Natawa narin siya at tumango. Sabay nilang tinungo ang kusina kung saan naabutan nila na nagluluto si Tita Val habang sina Tito Mavi at Vaileen ay naglalaro ng chess.




"Madaya ka naman Pa eh! Bawal kumain ang pawn ng dalawa sa isang tira! Hindi ito checkers!" sabi ni Vaileen.




Natawa naman si Tito Mavi rito. "Ako naman bumili ng chess board eh, kaya hayaan mo na ako."




Umubo si Vin para makuha ang atensyon ng lahat. "Nandito na kami."



"Ate Erin!" tili ni Vaileen at tsaka yumakap sakanya ng mahigpit dahilan para mapabitaw siya kay Vin.



Lumapit si Vin sa counter para mailapag ang mga pagkaing dala nila. Hinalikan nito sa pisngi ang magulang nito. Lumapit rin siya at binati ang mga magulang nito.




"Good Evening po, tito Mavi." magalang na pagbati niya sabay halik sa pisngi nito.




"Mabuti naman at nakadalaw ka ulit, hija." nakangiting sabi sakanya ni Tito Mavi.



"Oo nga po eh, medyo naging busy lang po nitong mga nakaraang linggo."




Nakita niya si Tita Val na lumalapit sakanila habang pinupunasan ang kamay sa suot nitong apron. Sinalubong naman siya nito ng yakap.



"Erin! Namiss kita. Hindi ka na dumadalaw rito." nagtatampong sabi nito nang yakapin siya.



Natawa siya ay gumanti ng yakap. "Pasensya na tita, naging busy eh."



It Might Be You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon