Thirty-six

70.1K 1.4K 92
                                    

SPG.

-------------

Abala si Erin sa pagbabasa ng kanyang dalang libro habang ang mga pinsan niya ay nilalantakan na ang dala niyang Yema cake. Naisipan kasi niyang dumalaw sa bahay ng lola niya at gaya nga ng inaasahan niya ay nandito nanaman nakatambay ang mga pinsan niya.





"Bakit hindi mo kasama si Vin?" tanong sakanya ni Kuya Toffer.



"Susunod siya, may meeting kasi siya ngayon." sagot niya nang hindi inaalis ang mata mula sa librong binabasa niya.




Hindi na nagkumento pa ang pinsan niya at nakipagkwentuhan nalang kina Wesley at Maynard.



Dapat ay sabay silang magpupunta rito ni Vin kaya lang naalala nito na may meeting nga pala ito kaya naman hinatid lang muna siya nito tapos ay umalis rin pero nangako naman ito na susunod.






"Ano ba iyan, Erin. Pumunta ka lang rito para lang magbasa ng libro?" bungad sakanya ng Lola Gertrude niya nang tumabi ito sakanya.




Nilagay niya muna ang bookmark sa pahinang binabasa niya bago itabi sa gilid niya ang libro. Maganda pa naman ang binabasa niya. The Selection Series. Mahal din iyon.



"Namimiss mo na naman ako Lola." ngising sabi niya rito.




Umismid sakanya ang lola niya. "Ang nobyo mo ang namimiss ko."



She gaped at her grandmother. "Magkalinawan nga tayo, lola. May gusto ka ba sa boyfriend ko?" seryoso niyang tanong.




Napa-'aray' naman siya nang pitikin siya sa noo ng kanyang lola. Masakit pa man din ito mamitik, champion ito sa larong pitik-bulag eh.




"Maloko ka talagang bata ka!"



"Lola seryoso ako!"



"Ano bang hangin ang pumasok diyan sa utak mo at naisip mo iyang bagay na iyan?!"




Napasimangot siya at hinimas ang nasaktang noo. "Eh kasi lagi nalang si Vin hinahanap niyo. Parang nagtatanong lang eh."




Bumuntong-hininga ang lola niya. "Ewan ko ba kung ano'ng gagawin ko sainyong magpipinsan. Ang babaluktot ng mga utak ninyo." naiiling na wika nito.




"Lola, mabait ako ah!" depensa ni Wesley.




"Ako lola! Matalino ako, kaya hindi kailanman naging balukto ang utak ko." sabi naman ng kuya Toffer niya.




"Heh! Magsitigil nga kayo! Sumasakit ang ulo ko sainyong mga bata kayo!" sita ng Lola niya.




"Kayo talaga, kinukunsume niyo nanaman si Lola." sita sakanila ng bagong dating si Polyanna.



Humalik ito sa pisngi ni Lola Gertrude at tumabi sa kabilang gilid nito.




"Ikaw? Bakit hindi mo kasama ang nobyo mo?" tanong naman ni Lola Gertrude kay Polly.




"Si Bobby nanaman ang hinahanap." sabi ni Polly.




Napangisi siya. "Ano ba iyan lola, kanina si Vin ngayon naman si Bobby." napapalatak siya.



"Aray!" hiyaw niya nang kurutin siya sa tagiliran ng lola niya.




"Diyan na nga kayo at titignan ko ang mga pagkain sa kusina." suko ng kanyang Lola at umalis na sa living room.



It Might Be You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon