Thirty

65.2K 1.2K 46
                                    

Bago ako pumasok, last update. Sayang ang internet. Hahaha

------------

Nakakalokong nginisian si Erin ng mga lalaki pagkapasok sa kanyang opisina. Tinaasan niya ang mga ito ng kilay. "What?" mataray niyang tanong sa mga ito.

Tumawa lang ang mga ito at nailing. Lumapit si Mico sa asawa nitong si Ellaine at umakbay. "Uwi na tayo, sweetie." malambing na aya nito sa asawa.

Siniko ni Ellaine si Mico sa tiyan. "Alam ko iyang tono mo. Sorry, sweetie. Meron ako."

Hindi nila mapigilang tumawa ng malakas sa naging itsura ni Mico nang sabihin ni Ellaine na time of the month nito.

"Rejected ka boy!" asar nina Dylan rito.

"Bakit ba kayo nandito?" singit ni Vin na nilapitan siya. Bigla tuloy siyang nailang dahil ang lapit lang ni Vin sakanya at hindi pa nakatakas sakanya ang mga mapanuksong tingin ng mga kaibigan.

"Eh ikaw bakit ka nandito?" balik-tanong ni Marco.

"Kakain ako dito." sagot ni Vin.

"Eh 'di kakain din kami." wika ni Jeremiah.

"Kung kakain pala kayo, bakit kayo nasa loob ng opisina ko Hala! Sige! Magsilabas na kayo at nang kumita ang café ko!" pagtataboy niya sa mga ito.

Isa-isang lumabas ang mga kaibigan niya. Pinagtaasan niya ng kilay si Vin na nakatayo parin sa may tabi niya. "Ikaw?"

"Dito nalang ako kakain." sabi nito.

Napapalatak siya at tinulak ito palabas sa kanyang opisina. "Ay hindi! Labas! Hindi kainan ang opisina ko."

"But I want to eat with you. Kaya nga ako pumunta dito." pigil nito sakanya.

Bumuntong-hininga siya. "Susunod ako sa labas. Sige na, mauna ka na. May aayusin lang ako sandali."

Mabuti nalang at hindi na nagreklamo pa si Vin at lumabas na upang sumama sa barkada. Sinarado niya ang kanyang pintuan at nilock iyon. Nanghihinang naupo siya sa swivel chair niya at napasandal nalang at napatingala nalang siya.

God! Ang daming revelations na nangyayari sa buhay niya! Hindi niya ma-take. Iyon ngang kaisipang nahuhulog na siya kay Vin ay ang tagal niyang natanggap. Iyon pa kayang inlove na siya rito? Ang hirap naman ata paniwalaan iyon!

Hindi pa nga siya masyadong makapaniwala na natagal mahal na siyang ni Vin tapos bigla na itong nanligaw. Dina-digest niya pa sa kaloob-looban niya ang nangyari.

Isang katok ang nagpabalik sakanya sa huwisyo.

"Erin?" boses ni Vin iyon.

Isa pang buntong-hininga ang ginawa niya. "Coming!"

------------

Bitbit ni Erin sa isang kamay ang isang box ng cake habang sa isa naman ay kipkip niya ang isang box naman ng donuts. Naisipan niyang pumunta muna sa bahay ng lola niya. Sosorpresahin niya ito.

"Si lola?" tanong niya sa kasambahay na nakasalubong niya.

"Nasa may kusina po kasama ang tita Vickie ninyo." sagot nito.

Tumango siya at pinuntahan na ang lola at tita Vickie niya.

Naabutan niya ang mga ito na nagluluto ng hindi niya pa alam kung ano pero base sa amoy ay mukhang carbonara ang niluluto ng mga ito. Pasimpleng pumasok siya sa loob para hindi makahalata ang mga ito na nasa kusina rin siya. Nang nasa gitna na siya ng kusina ay malakas siyang sumigaw.

"HELLO EVERYBODY!"

Mabilis na nabitawan ni Lola Gertrude ang hawak nitong kutsara dahil titikman sana nito ang sauce, habang nakasapo naman sa dibdib ang Tita Vickie niya.

It Might Be You [Fin]Where stories live. Discover now