Chapter FortyOne

10.4K 147 12
                                    

~~ Ch.41

Pagkadismissed na pagkadismissed sa klase tumakbo na agad ako papunta sa hintayan namin ni Aliza para magpaalam. Kalalabas lang kasi ni Mama sa ospital kaya gusto ko syang puntahan.

"Ba't ka humahangos dyan Sis? May humahabol ba sa'yo?"

Sinundan pa nya ng tingin yung pinanggalingan ko.

"Sis, una ka na umuwi. Late naman uuwi sina Mom and Dad ngayon diba? Dadalaw lang ako kina Mama at Papa. Di ako magpapagabi don't worry. Bye Sis." hinug ko lang sya ng mabilis.

"Eh ano pa nga bang magagawa ko? Sige, go na. Shoo." kunwaring taboy nya sakin.

"Thank you Sis. The best ka talaga."

"Sige utuin mo lang ako." tinawanan ko na lang sya.  "Ingat Sis. Bye." pahabol nya.

Nag-taxi na lang ako papunta dun, gusto ko silang i-surprise kaya hindi ko na tinawagan si Kean.

"Ma, Pa..." sandali akong napatigil sa paglakad habang papasok ako.

"O nak, di ka nagpasabi pupunta ka pala." si Mama, nakaupo sa sofa katabi si Papa.

Masaya na sana yung araw ko eh kaso hindi ko expected na dadatnan ko rin dito si Melissa, kakwentuhan sina Mama. Akala ko ba hindi sya kilala nina Mama at Papa dahil sa States naging sila ni Kean at naghiwalay, kaya nga hindi rin nya ako nakilala diba. Iniisip ko nga, naging sila nga but they barely knew each other.

"Gusto ko po kasi kayong i-surprise Ma, Pa." pero ako pala yung masusurprise, gusto ko sanang idugtong.



"Ikaw talaga anak. Oo nga pala, bisita natin, si Melissa. Kaibigan ng Kuya mo galing US."

"Hi Sydney, nice to see you again." bati ni Melissa.

"Hi." tipid kong sagot.

"Nagkita na kayo dati?" Ayan bigla tuloy silang nagtaka.

"Ahh... Eh.." Kainis ah, ba't ako speechless?

"Yes Tita. Kahapon po."

My Brother, My LoverWhere stories live. Discover now