Chapter ThirtyNine

11.6K 177 23
                                    

~~ Ch.39


Excited akong pumasok ngayon may date kasi kami mamaya ni Kean at susunduin nya ako. Nakakapanibago pa rin pero oo kami na nga talaga, hindi pa rin ako makapaniwala actually basta ang alam ko masaya kaming dalawa.

"May nangyari bang maganda Sis? Abot-tenga ngiti mo ah." puna ni Aliza habang naglalakad kami papunta sa room.

Wala pa nga pala akong pinagsasabihan ng tungkol sa relasyon namin, ayoko munang ipaalam kahit kanino dahil siguradong mabibigla sila, inaalala ko pa nga sina Mom and Dad dahil siguradong tututol sila sa relasyon namin.

"Ha? Wala noh. Masama bang ngumiti? Tara na nga." inunahan ko na syang pumasok.

Pagdating namin sa room napansin din agad ni Camille yung magandang aura sa akin.

"Uy, mukhang okay ka na ngayon Syd ah. Something good happened?"

Napangiti ako bago sumagot. "Hmm, let's just say na nakaget over na ako sa dark days ko."

Napatango-tango lang silang dalawa pero alam ko mamaya kukulitin nila ako kaya dapat tumakas ako ng maaga.

Sakto namang wala si Mr. Eleazar, yung Prof. namin sa last subject kaya nagmamadali kong niligpit yung mga gamit ko, lalabas na sana ako nung pinigil ako ni Kevin.

"Ah Syd, may lakad ka ba?" he asked.

"Pasensya ka na Kevin ah may pupuntahan pa kasi ako. Sige ah, bye."

"Hatid na kita." insist pa nya.

"Ah hindi na. Kaya ko na to. Bye Kevin. See you tomorrow."

Nakaramdam ako ng konting guilt para sa kanya. Kahit gaano ka-polite naman kasi ang gawin mong pambabasted masasaktan at masasaktan pa rin sya pero kailangan ko na rin syang tapatin tungkol sa nararamdaman ko sa kanya as soon as possible.

Nag-stay muna ako sa coffee shop malapit sa school, naitext ko na rin sya na dito na lang ako sunduin para iwas na rin sa chismis.

(Aye! aye! boss. :) On the way na ako so i'll be there in 15minutes. Excited na akong makita ka. I love you! -- Kean)



Hindi ko mapigilang mapangiti sa reply nya, para tuloy akong baliw dito sa coffee shop na ngumingiti ng mag-isa. Akalain mo nga naman, kung gaano sya ka-cold sa akin noon ganito naman sya ka-sweet ngayon.

My Brother, My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon