Chapter FiftyNine

6.5K 120 15
                                    

~~ Ch. 59

Pinilit kong patigasin ang boses ko. "Umalis ka na sabi! I don't want to listen to your lies anymore!"

I shut my eyes tight. I'm trying so hard to fight the urge to hug him back. Galit ako sa kanya. He betrayed me. I trusted him with all my heart and he just betrayed me. Ang sakit, pinaniwalaan ko lahat ng mga sinabi nya sa'kin at nagpauto naman ako.

"Please don't leave me, Syd. Hindi ko kayang mawala ka." mas humigpit pa yung yakap nya sa'kin.

Pinilit kong kumawala sa pagkakayakap nya. "Sana naisip mo yan bago mo... bago mo kinalamantari ang babaeng yun."

"Maniwala ka Syd, nothing happened to us. She's lying. Gusto lang tayong sirain ng babaeng yun."

This time, humarap na ako sa kanya. I stare into his eyes. Wala man lang bahid ng guilt o kahit ano.

"And you want me to believe that? Walang nangyari sa inyo? Eh ano palang ginawa nyo dun? Nagdasal kay Lord?" I scoffed. "Ano bang tingin mo sa'kin, Kean? Tanga? Lahat ng mga reasons and excuses mo pinaniwalaan ko noon, pinagbigyan kita---like you didn't know what that girl was doing at your pad, like she kissed you first, like you didn't know her at all---I'm sorry, but not this time."

It hurts that I can't trust him anymore. Tinalikuran ko na sya pero pinigil nya ako, I jerked away from his hands. "Please believe me just this once. It's not mine. Hindi ko anak ang nasa tiyan ng babaeng yun."

A part of me want to believe him, but I've seen the pregnancy test. That girl showed it right into my face. "Tama na. Mahal kita pero tama na. Mas lalo lang nating papahirapan ang mga sarili natin eh. Maybe... Maybe we're not really meant to be together."

"Syd... Don't this to us." he said, almost a whisper.

I stared blankly on the ring, pulled it from my finger and put it in his palms. "There's no more us." I firmly said then walked away.

At eto na ang mga luha ko, nag-uunahan na naman sa pagpatak kasabay ng ulan. Nakikiramay ata sa'kin ang langit.

--- ALIZA's POV ---

"Sis..." paglapit nya yumakap agad sya sa'kin. "Ang sakit sakit." she said between her sobs. "Bakit ganito? Bakit kailangang umabot pa sa ganito?"

I can feel her pain at halos madurog din ang puso ko na nakikita syang nagkakaganito. I patted her back. "Nandito lang ako, Sis. I will never leave you. Kakampi mo ako." though I know na kahit anong sabihin ko hindi nun mapapagaan ang nararamdaman nya.

"This is my fault eh. Kung hindi sana ako naglayas noon, kung hindi sana ako nawala ng ilang araw... hindi  sana..." napahagulgol na naman sya.

"It's not your fault, Sis. Wala kang kasalanan. Ipinaglaban mo lang ang relasyon nyo." hinahaplos ko lang ang likod nya. "Hindi mo na kasalanan kung kinati sya sa ibang babae."

"Why us? " awang-awa na talaga ako kay Syd. Kung may magic wand lang sana ako para mabura lahat ng pain nya.

Sa mga lumipas na araw umaakto sya ng normal na parang walang nangyari. Dito sa bahay, dun sa school. Nakikipagbiruan sya kina Kevin at Gab. Mas naging active pa sya sa academics. Itinuloy nya rin yung pagsali nya sa cheerleading, nahahawa na nga ata sya kina Nadine. Madalas rin syang gabi umuuwi dahil sobrang busy nya.

But I know her too well. Ginagawa nya lang yun para ma-divert ang attention nya sa ibang bagay. Alam ko, dahil tuwing gabi dumadaan ako sa kwarto nya at naririnig ko yung mga paghikbi nya. Nagpapanggap lang syang okay dahil ayaw nyang mag-alala yung mga nasa paligid nya. Especially Mom and Dad.

My Brother, My LoverWhere stories live. Discover now