Chapter SixtyTwo

6.6K 142 32
                                    

~~ Ch. 62 

"Narinig mo ang sabi ni Doc. Dapat healthy foods at saka yung vitamins mo." Paalala na naman ni Ali sa'kin habang palabas ng clinic. Kanina pa yan daldal ng daldal. Ano daw kayang magiging gender ng baby, sino daw kayang magiging kamukha. Super enthusiastic na Tita.

"Opo, Mommy," biro ko sa kanya.

Kagagaling lang namin ni Ali sa OB. Sya lang naman kasi ang pwede kong pagkatiwalaan tungkol dito. Hindi ko pa kayang sabihin sa ngayon kina Mom at Dad ang totoo. Paano ba kasi nila matatanggap na disgrasyada ang isa nilang anak? Napagkasunduan na namin yun ni Ali. But sooner or later, malalaman din naman nila ang totoo once na lumobo na ang tiyan ko.

Patingin-tingin sa'kin si Ali habang nagda-drive sya. Ramdam ko may gusto syang sabihin sa'kin. "What is it, Sis? Alam ko kapag may sasabihin ka."

"Do you have any plans on telling this to him? I mean, he's the father. Kahit hiwalay na kayo I think he has the right to know at saka karapatan din ng magiging anak nyo yun hindi ba."

"No. This baby is only mine. Anak ko lang 'to. And besides, may anak na naman sila ng witch na yun." matigas kong sabi.

Hindi na sya sumagot, siguro ayaw lang nya na ma-stress pa ako lalo. Nakaka-stress lang kasing isipin. Kapag nalaman nya ano bang buti ang maidudulot nun? Mas magiging komplikado lang para sa magiging baby ko. Masasaktan lang sya and I don't want that to happen.

"Sis, may kelangan pa pala akong bilhin. 'Wag mo na akong samahan, kaya ko na 'to." paalam ko sa kanya nang makarating kami sa bahay.

Pasakay na ako ng kotse nang bigla syang sumulpot sa harap ko. Si Kean. May sa kabute ba sya? At saka bakit na naman sya nandito? Hilig ba talaga nyang tumambay sa labas ng bahay namin?

Pero may isa lang akong napansin, kumpara noong wedding ni Melissa, mas maayos na ang itsura nya ngayon. Hindi na sya mukhang miserable. Maybe he already accepted the facts. Baka finally, natanggap na rin nya ang babaeng yun.

Pero bakit ang ang sakit pa rin?

"Bakit nandito ka na naman? What is it now?" 

"I want to talk to you." seryoso ang mukha nya. "I want to talk about what happened that night."

"Paulit-ulit na lang ba tayo? Please Kean, tama na. Wala na naman tayong dapat pag-usapan. Matagal na tayong tapos."

Oo, meron pa. Magkakababy na tayo. Tinatraydor ako ng puso ko!

"And... and I don't know what you're talking about.  So, please excuse me dahil may pupuntahan pa ako." Sinungaling! sigaw ng utak ko.

Lumapit sya, automatically napaatras ako. "Syd..." bigla-bigla nagbago yung facial expression nya, "Please, 'wag na nating pahirapan ang mga sarili natin. Alam mo at alam ko na tayong dalawa ang nagmamahalan. Just give me time to prove that that child is not really mine. Then, we'll start again."

I smiled bitterly. "I should be the one saying that.. 'Wag na nating pahirapan ang mga sarili natin, Kean. It's not about the child or Danna anymore. Yung tiwala ko, durog na wala ng natira. Yung puso ko, bugbog na. Hindi na tayo pwedeng bumalik sa dati. Kaya tama na 'to please lang. Pabayaan mo na ako."

Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng kontrol para pigilin ang mga luha ko na nagbabadya ng pumatak. "Kalimutan mo na ako dahil kakalimutan na rin kita."

"Hindi kita kayang kalimutan, Syd." hinawakan nya ako sa magkabilang balikat at tinitigan sa mata, "Look at me, I know you're telling me the opposite of what you really feel."

Nakakainis. Bakit ba basang-basa nya ako kahit anong tago ko sa nararamdaman ko?

Pinalis ko ang kamay nya at tinulak sya. "Know what, wala ng patutunguhan 'to." tumalikod na ako at sumakay sa kotse.

My Brother, My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon