Chapter ThirtyTwo

11.4K 164 27
                                    

Dedicated sa kanya to kasi alams na. Haha. Hindi nya nabanggit na nagkiss talaga pero tinanung nya kaya pwede na rin. XD

Yiee.. Kinilig ako sa 10 votes nyo. :) Keep voting, pag mas mabilis ang vote mas mabilis din ang update. ^___^

 

===========================================================

~~ Ch.32

 

 


I woke up early today kasi excited ako dahil ngayon ang first day na tuturuan ako ni Kuya. Nakakatuwa naman nagbabago na ata talaga sya, sana sina Mama at Papa magkaroon na rin ng time sa akin.

"Yaya, nasaan po si Kuya?"

Tanong ko agad sa kanya nung napansin wala si Kuya dito.

"Umalis sya, hindi ba nagpaalam sayo? Oo nga pala may binilin sya, pinapasabing pasensya na daw dahil di muna matutuloy yung pagtuturo nya sayo ngayon at may importante lang daw talaga syang pupuntahan."

"Ganun ho ba. Haiy.. Excited pa naman ako ngayon, gumising pa akong maaga tapos di pala tuloy tss. Sige po Ya jogging lang ako."

Nakakainis naman. Hindi talaga ako nagpuyat kagabi para lang makagising ng maaga tapos wala naman pala sya. Tss. Hindi naman talaga ako very eager na matuto pero yung fact na si Kuya yung nag-offer magturo naxecite ako bigla.

Nagjojogging lang ako nung biglang may bumusina sa likuran ako. Si Kevin pala, ano kaya ginagawa nya dito? Dadalaw? Ang aga naman. Ipinark nya sandali sa tabi yung kotse nya tapos bumaba.

"Hi Syd.. Saan ka pupunta?"

"Ha? Ah, wala nagjojogging lang. Ikaw saan ka pupunta?"

"Sa inyo, wala akong magawa sa bahay eh kaya naisip ko hanapin bahay nyo. Since nasa labas ka na rin lang bakit di ka na lang sumama sakin? Birthday na kasi ng kapatid ko the next day, balak ko syang bilhan ng gift. Ikaw agad yung naisip kong hingan ng opinion."

"Hmm.. Wala naman akong gagawin sa bahay ngayon so sige... Pero magpapalit lang akong damit, pawisan na ako eh."

"Sure... Tara hatid na kita." sosyal naman pinagbukas pa ako, ang gentleman talaga nito.

Naligo na rin muna ako, pero minadali ko na para hindi sya maghintay ng matagal. Kakalimutan ko muna yung hindi namin natuloy na tutorial ni Kuya.

My Brother, My LoverМесто, где живут истории. Откройте их для себя