Chapter TwentyThree

13K 178 6
                                    

Antagal ng UD noh? I know, I know. Kaya naman pasensya na mga mahal kong readers. :( Tinamad kasi ako tapos nawalan ako ng gana magtype tapos yung utak ko ayaw pa makicooperate. Kaya ayun hehe (magpaliwanag daw ba? XD)

~~ Ch.23



Lagpas one week na rin lumipas simula nung mangyari yung insidenteng yun. At may isa lang akong napansin, si Kuya.. ang weird na nya. When I say weird, hindi na sya madalas masungit sakin unlike dati na almost everyday kami nag-aaway. Tapos hindi na sya nalelate sa pagsundo sakin. Though madalas pa rin salubong yung kilay nya, masasabi kong "MAS" mabait sya ngayon kesa dati. Yeah, exaggeration.

Nakatingin lang ako sa kanya habang nagda-drive sya. Ngayon ko lang ata sya napagmasdan ng ganito. Gwapo naman tong si Kuya eh, yun nga lang suplado na masungit pa. Sabi naman ni Yaya hindi naman sya ganito dati. Bakit kaya sya nagbago? Ah! Si Melissa siguro, yung naikwento ni Yaya Minds sakin nun. Dahil sa babae lang?

"Why are you staring at me?" bigla syang nagsalita.

Natauhan ako nung nagsalita sya. Eeeeeh, gaano katagal na ba ko nakatulala sa kanya? 

"I-I'm not staring at you. Hmp." todo deny naman ako.

 Nagkibit balikat lang sya tapos ngumiti. See what I mean? Inaaning ata ako nito.

Hindi na ako nakatiis kaya hinawakan ko yung noo nya. Para namang nagulat yung itsura nya sa ginawa ko.

Nakatingin lang sya sakin.

"Chineck ko lang kung may sakit ka kasi ang weirdo mo." sinabi ko na agad bago pa sya makapagtanong. Sakto namang school na yun.

"Sige pasok na ako. Bye Kuya." tapos nagmadali akong bumaba. Hindi ko na inalam pa yung reaction nya.

Parang ako mismo na-awkwardan sa ginawa ko.

"Good Morning Sydney Anne." bati agad sakin ni Aliza.

"Ang ganda ata ng mood mo ah."

"Dumating na kasi sina Mama at Papa kaya ayun magbobonding kami. Oo nga pala, they want to meet you naikwento ko kasi sa kanila na ikaw ang una kong naging kaibigan dito."

"Sure, gusto ko rin makilala parents mo."

My Brother, My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon