Chapter FiftySeven

6.9K 110 13
                                    

~~ Ch.57

Sabado.

Ako lang mag-isa dito sa bahay, kasi naman si Aliza may date with Gab at malamang mamaya pa yun uuwi. Sina Mom and Dad may tinatrabaho sa office. Kami naman ni Kean, isang linggo nang hindi nagkikita mula nung nagsapakan sila ni Shane. Busy ata. Ewan ko. Hindi naman kasi tumatawag o nagtetext. Ayoko namang ako yung mauna. Ewan ko ba pero singtaas ata ng Burj Khalifa 'tong pride ko.

Bored na ako. Matulog na lang kaya ako? Hindi naman ako inaantok. Maglinis ng bahay? Pero wala namang lilinisin. Gawin ang mga assignments? Oo nga pala, natapos ko na kagabi. Gumala kaya? Pero malungkot naman pag mag-isa lang. Bandang huli bumalik din ako sa first option ko.

Ilang oras pa lang siguro akong natutulog nung naalimpungatan ako dahil sa ingay na nanggagaling sa bintana at parang may naaninag akong anino ng tao.

Bigla akong kinabahan. Paano kung magnanakaw yun? O kaya rapist? O killer? Wala akong laban dahil mag-isa lang ako dito. Hala, ang wild ng imagination ko.

Kinuha ko yung pepper spray sa drawer ko. Lagi ko 'tong dinadala 'pag umaalis akong mag-isa dahil nadala na ako sa mga nangyari noon. Tumapat ako sa bintana, bahala na. Mabuti na yung nakakasigurado.

Pero muntik na akong mapatalon nung biglang kumatok yung taong nasa tapat ng bintana ko. Kumakatok? May masamang tao ba na kumakatok muna bago umatake? Wala naman ata.

"Syd? Nandyan ka ba?"

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil kilala ko ang boses na yun. Binuksan ko ang bintana at pumasok na sya. "Kean! Paano ka nakaakyat dito?" gusto kong kiligin. Bella Swan lang ang drama ko.

Sa halip na sagutin yung tanong ko napatingin sya sa pepper spray na hawak ko. "Bakit may hawak ka n'yan?"

"Akala ko kasi masamang tao. Bakit naman kasi d'yan ka bintana dumaan may pinto naman? Saka bakit bigla bigla ka na lang sumusulpot?"

"Check your phone." utos nya sa'kin.

Ginawa ko na lang yung sinabi nya para wala ng argument. Pagtingin ko sa cellphone ko puro missed calls na galing sa kanya. Oo nga pala, nakasilent 'to kanina pa dahil ayoko ng istorbo.

"Kanina pa kita tinatawagan, kanina pa rin ako kumakatok pero hindi mo naman ako pinagbubuksan. Akala ko wala ka but I called Aliza at sabi nya nandito ka raw.  Kaya naisipan kong sa bintana na lang dumaan. Muntik pa nga akong mahulog." paliwanag nya.

Tumalikod ako sa kanya at ibinalik na yung pepper spray sa drawer. "Eh sino bang may sabing akyatin mo? Paano nga kung nahulog ka? Pag-aalalahahin mo pa ako."

He hugged me from behind. "Galit ka pa rin sa'kin? I'm sorry. I shouldn't have said that."

Pero bago pa ako makasagot narinig ko na ang pagtawag ni Mom. Hala! Anong gagawin ko? Lagot kami pag nahuli kaming magkasama sa kwarto ko. Kahit na legal na kami ni Aliza sa mga boyfriend namin, off limits pa rin sila pagdating sa kwarto.

"Anak, Syd. Nasa kwarto ka ba?" narinig kong tanong ni Mom at mukhang paakyat na na sya dito!

"Magtago ka. Bilis!" utos ko sa kanya.

"Ayoko nga. You're not answering my question yet."

Kumakatok na si Mom! "Fine. Fine. Oo na, hindi na ako galit sa'yo. Magtago ka na. Bilis na." pabulong na utos ko sa kanya. Pagkasabi ko nun pumasok na sya sa banyo ko.

"Anak?"

Ginulo ko muna ang buhok ko bago buksan ang pinto. "Ma, napaaga po ata kayo? Pasensya na po hindi ko agad nabuksan. Kagigising ko lang kasi." Kunwari pa akong naghikab para mas effective.

My Brother, My LoverWhere stories live. Discover now