Chapter Eight

14.7K 180 8
                                    

CHAPTER 08

I froze to death when his door opened. Maybe Nadine was right after all. I'm afraid of Kuya at some point. Especially when he's mad, like real mad. It's like I will die in a second when he gives that death glare of his.

Papasok na sana ako at hindi na lang siya papansin but of course it will never happen even in my dreams. Dapat sermon muna bago pasok sa kwarto. He's like a king that should never be defied.

"Syd, where have you been? Matinong uwi ba 'to ng 17 years old?!"

I tried to act nonchalant as best as I could. "Ah.. Uhm.. Kina Camille. Gumawa ng project."

"Really? Kaya pala nung tumawag ako sa house nina Camille wala din siya doon. Now, will you tell me the truth?"

Huli na ako. Ano nang gagawin ko? Think fast, Sydney!

Lumapit siya sa akin at napansin kong naka-white shirt at black board shorts lang siya. Mas okay pala 'tong si Kuya pag hindi naka-long sleeves at tie e. Ano ba 'tong pinag-iisip ko? This is not the time to care about how he looks!

"You're drunk!" he exclaimed.

Damn. Hindi rin pala tumalab kahit nag-spray na ako ng pabango. "Huh? Of course not Kuya!" Sobrang tanggi pa rin ako kahit huli na. Saka gusto ko nang matulog, ayokong makipag-away ngayon. Nahihilo pa nga ako e.

"Sige Kuya, Goodnight. Tulog na ako ah." Tatalikod na sana ako pero nahawakan niya agad ako sa braso. Uh-oh. This is not good.

"Kailan ka pa natutong uminom?" Hindi ako nakasagot agad. Galit na siya at lagot ako. Ang pasaway ko kasi e.

"Answer me!"

"Kuya..."

"You won't tell me the truth? Fine." Binuhat niya ako tapos dinala sa bathroom niya. Binuksan niya 'yung shower at walang ano-anong itinapat ako. Holy Crap! Ang lamig ng tubig! Nagtitili ako at wala akong pakialam kung sinong makarinig.

"Shit! Oo na, sasagot na ako! Sasabihin ko na!" Nagpumiglas agad ako para makalayo sa kanya.

Pinatay na niya ang shower tapos ay hinagisan niya ako ng towel. "You do really want the hard way ah. Gusto mo pang pinapahirapan e."

Inirapan ko siya dahil 'yun lang naman ang kaya kong gawin. I stood there, shivering. And by the looks of him, it seemed like he's enjoying my misery.

"Okay, first question. Saan ka galing?"

I was still hesistant to answer because I know it will just infuriate him more. "Kina.. Kina Chad." Para na namang siyang nabalutan ng aura ng kadiliman nang marinig niya ang sagot ko. "But let me finish first, pinilit lang ako ni Camille. I really have no plans on coming with them I swear."

My Brother, My LoverWhere stories live. Discover now