Chapter Nineteen

12.8K 194 21
                                    

Dahil love mo ang story ko at pinagpuyatan mo pa nung isang gabi love na rin kita kaya dinededicate ko to sayo. :))

Thank you ulit ng marami JeanetteCunananDizon. :D

~~ Ch.19

Nung pauwi na kami naghiwalay na kami ni Aliza kasi magkaiba naman yung way namin.

"Bye Syd, see you tomorrow. Wag ka na magpakaisip dyan. Itsura mo oh. Hahahaha."

"Whatever. Umuwi ka na nga."

"Haha pikon. Sige na nga iwan na kita dyan."

"Di ako pikon noh. Sige na, see you tomorrow. Bye."

Ang tagal naman ata ni Kuya, tsk. 30 mins. na ata ako naghihintay dito ah. Ito na ata ang pinakalate na dating nya.

"Syd!"

Napalingon ako sa pinanggalingan nung boses. Kumunot yung noo ko.

"Gab? What are you doing here?"

"Why? Masamang pumunta dito? Sayo tong school?"

"Pilosopo. Bakit ka ba talaga nandito."

"Wala lang.. Uh, kasi.. Uhm"

"What?"

"Ah.. Sydney pwede ba tayo mag-usap?"

"Tungkol naman saan?"

"Basta..."

Wala pa naman si Kuya kaya pumayag na ako, saka alam naman nya kung saan ako makikita pag nale-late sya ng dating.

Naglakad-lakad muna kami ni Gab tapos ayun umupo kami dun sa may bench.

"So ano ba talagang pag-uusapan natin? Iwas ka ng iwas kanina eh."

"May ipagtatapat ako sayo pero wag mo kong pagtatawanan ah. Magpromise ka."

"Okay promise." tinaas ko pa talaga yung right hand ko. "Anu ba talaga yun? Sinususpense mo pa ako eh."

 Nakatitig lang ako sa kanya, Ano ba kasi yung sasabihin nya? May paganito pang effect na nalalaman eh.

"Uhm... Syd... I am ---"

Kaso hindi ko na naituloy kasi biglang may humila sakin. Expected ko na to eh.

"Aw, Kuya!"

"So hindi mo nga pala sya gusto."

"Problema mo ba Kuya?! Hindi ba ito naman ang gusto nyo? Yung magkamabutihan kaming dalawa. Saka nag-uusap lang naman kami bakit ba ang OA mo?"

"Sino ba nakaisip ng arrange marriage ninyo? Diba sina Mama at Papa? Eh di sila may gusto."

Tapos nagwalk-out bigla. Nung hindi ako kumikilos nagsalita sya pero hindi humaharap samin.

"Ano? Tatayo ka lang dyan? Pag di ka sumunod iiwan na kita."

"Gab sorry, next time na lang natin pag-usapan kung ano man yun. Bye." ibinulong ko na lang sa kanya, tinanguan naman ako.  Tapos sumunod na ako kay Kuya.

"Hurry up!"

Abnormal talaga tong epal na to eh. Kung makareact parang nagseselos na ----. Pinutol ko na yung sarili kong imagination. Nakakakilabot eh.

"Sasakay ka pa?" naiiritang tanong nya.

Sinimangutan ko na lang sya tapos sumakay na ako. Gawd, patagal ng patagal parang hindi na ako nagiging komportable na kasama ko si Kuya. Para akong nasu-soffocate na ewan.

Teka nga.

REWIND...

REWIND...

REWIND...

"Problema mo ba?! Hindi ba ito naman ang gusto nyo? Yung magkamabutihan kaming dalawa. Saka nag-uusap lang naman kami bakit ba ang OA mo?"

"Sino ba nakaisip ng arrange marriage ninyo? Diba sina Mama at Papa? Eh di sila may gusto."

"Eh di SILA may gusto"... ???

Sina Mama at Papa lang ang may gusto? So does it mean na ---

*Tire Squeals*

Jusko naman. Napasubsob talaga ako ah.

"Ano ba yun?!"

"May biglang tumawid na aso sa kalye kaya nagpreno ako"

"Anu ba kasing iniisip mo? Alert ka naman pag nagdadrive ka ah."

"None of your business brat. Manahimik ka na lang."

Tapos nagdrive na ulit sya parang walang nangyari at hindi na ulit sya tumingin sakin hanggang makarating kami sa bahay.

Spell abnormal? K-U-Y-A-K-E-A-N. Konti na lang talaga sasakalin ko na to hanggang di makahinga eh.

"Bukas hindi kita masusundo kaya si Mang Ador muna." sabi nya ng hindi man lang tumitingin sakin.

"Sus, hindi ko naman talaga kelangan ng tagasundo. Kaya ko na naman magcommute. Malaki na ko noh."

"Okay then, hindi ko na sasabihin kay Mang Ador."

==========================================================================

A/N: Ano kaya yung sasabihin ni Gab kay Sydney? Bigla naman kasing umeksena kasi si Kuya Kean eh. Haha. Epal kahit kelan, di pa maintindihan yung ugali.

Stay tuned lang for the next chapters. ^_^

My Brother, My LoverWhere stories live. Discover now