Chapter ThirtyEight

11.5K 207 46
                                    

~~ Ch.38

Ilang buwan na ang lumipas simula nung lumipat ako dito kina Mom and Dad. Ilang buwan na rin mula nung huli kong makita sina Mama Felice at Papa Bien pati na rin si... Kuya. Kahit namimiss ko sina Mama at Papa mas pinili ko na lang muna wag bumisita dahil sa hindi maintindihang nararamdaman ko.

Kaya eto, sinubsob ko na lang sarili ko sa pag-aaral para hindi ko na sila gaanong naiisip. Mabuti na rin to para hindi ako napapraning kakaisip kay Kuya. Tutal nung huli ko naman syang tinawagan, ay naku ayoko na maalala.

Alam na rin ng buong school yung tungkol sa pamilya namin. Syempre naging laman kami ng chismis pero hindi na lang namin pinatulan para di na lumalala. Ayun, nagsawa rin naman sila eh.

"Syd, sama ka samin. Hindi ka ba nag-sasawa sa ginagawa mo? Tuwing lumalabas kami hindi ka na sumasama." pangungulit ni Camille.

"Oo nga, Sis. Take a break muna. " segunda naman ni Aliza.

"Kayo na lang." walang gana kong sagot. "Madami pa akong gagawin." aktong tatayo ako nung hinawakan nila yung magkabilang braso ko.

"No, sasama ka sa amin. Whether you like it or not saka tapos na naman ang klase. Look at you mukha ka ng zombie. Tell me, kailan ka pa huling nakatulog ng maayos?" sermon ni Aliza.

"Nag-aalala lang kami sayo Syd. Baka kung mapano ka na nyan sa ginagawa mo."

Wala na akong nagawa kundi sumama na lang sa kanila. Besides, tama naman sila. I need a break. Parang sasabog na nga yung utak ko.

Pagkatapos naming magshopping at kumain pumunta kami kina Camille para manood nung DVD na binili namin.

Di ko man lang maappreciate yung movie na pinapanood namin. Ang layo na ng tinatakbo ng utak ko eh. Hindi ko namalayan pinagmamasdan na pala ako ni Aliza at Camille.

"Mind sharing us what's bothering you, Syd? Baka sakaling gumaan ang pakiramdam mo." concerned na sabi ni Aliza.

Napatingin ako sa kanya. Kapatid ko nga si Aliza. Kilalang-kilala nya ako. Ayun, hindi ko na napigilan yung bigat na nararamdaman ko kaya sumubsob na ako sa balikat ni Aliza, dun ako nag-iiyak. Si Camille naman hinahagod ang likod ko.

"Camille, Sis..." iniharap ako ni Aliza sa kanya at pinahid ang mga luha ko.

Huminga muna ako ng malalim bago ko itinuloy ang pagsasalita. Ikinuwento ko sa kanila kung bakit ako nagkakaganito at isa lang ang sinabi nila, in love na ako sa Kuya ko.

Matapos kong mahimasmasan nag-paalam na kaming uuwi na dahil 10:00 PM lang ang curfew namin pag Friday.

Naiidlip na ako nung maramdaman kong nagba-vibrate yung phone ko. Inis kong dinampot yung cellphone sa tabi ko.

"Hello? Who's this? Nakakaistorbo ka ng tulog alam mo ba?" inis na sa sagot ko sa kung sino mang tao to.

(So, you're still the same Sydney I know.)

Napabangon ako. Si Kuya! Boses yun ni Kuya. At bakit naman kaya sya napatawag sa dis-oras ng gabi?

"Why did you call?" kunwari pa akong humikab.

(Look out on your window) utos nya.

"And why whould I do that?" matabang ko namang sagot.

(Because I told you to do so. Bilisan mo na.) Bwiset na to. Akala mo kung sino makapag-utos ah.

"What if I don't want to?"

(Kapag hindi mo ako sinunod ako mismo ang aakyat d'yan sa kwarto mo.)

What the heck?! Nasa labas sya ng bahay? Baliw na talaga tong taong to. Nagmamadali kong hinawi yung curtain at binuksan yung bintana. Hindi nga sya nagsisinungaling, nandoon sya nakatingala sa akin at nakangisi pa.

(Pwede ka bang lumabas? Please?)

Wow. Biglang nag-iba yung tono nya. Pero hindi ako pwede lumabas, sa ganitong oras? Siguradong pagagalitan ako nina Mom at Dad.

"Pero---"

He mouthed the word 'please' at parang nag-puppy eyes pa. Alam ko hindi ko rin naman sya matitis kaya naman tumango na lang ako at sinabing sandali lang.

Nagbitbit ako ng jacket bago ako dahan-dahang lumabas sa kwarto ko. Hindi ako pwedeng makagawa ng ingay dahil siguradong magigising sila. Nakahinga na lang ako ng maluwag ng makalabas ako sa gate.

Then the next thing I knew yakap na nya agad ako ng mahigpit. "I missed you so much Syd." he whispered thorugh my ears.

Tama ba yung narinig ko? Na-miss daw nya ako? Yung pakiramdam ko parang gumaan just by hearing those words.

"Y-you missed me?"

"Sobra." kumalas muna sya pag-kakayakap tapos hinawakan nya ako sa magkabilang balikat. "God, gustong-gusto talaga kitang makita."

"Sinungaling." nabuhay bigla yung sama ng loob ko sa kanya. " Kung gusto mo akong makita bakit ngayon mo lang ako tinawagan? Bakit ngayon mo lang ako pinuntahan? Hindi mo pa ako kinakausap pag tumatawag ako kina Mama Felice. At saka---"

Naputol na lahat ng sasabihin when he crushed his lips to mine. The kiss was gentle and passionate, hindi ko alam but for some reasons my body responded automatically. 

"W-why did you kissed me?" nasabi ko na lang matapos ang eksenang iyon.

"Ang daldal mo kasi." inirapan ko sya sa sagot nya. "But seriously noon ko pa gustong gawin to."

Ano ba tong nararamdaman ko? Ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko. Dapat ba akong tumalon sa tuwa? Dapat ko na bang amining mahal ko na sya? Wait, did I just admit it to myself that I already love him? Pero paano ko naman aaminin sa kanya? Baka masaktan lang ako.

"This is wrong. May girlfriend ka Kuya." nararamdaman kong any moment babagsak tong luha ko.

"Would you please stop calling me Kuya? It really annoys me. Kahit kelan hindi kita kayang ituring na kapatid..." A short pause. "Dahil mahal kita at naiinis ako na isiping kapatid lang ang turing mo sa akin."

Nanlaki yung mata ko sa sinabi nya. For a second, tumigil ata sa pagprocess yung utak ko. Is that for real? Totoo talaga yung narinig ko? Mahal nya ako?

"M-mahal mo rin ako? Totoo?" Hindi pa rin ako makapaniwala.

"Rin? So mahal mo rin ako?"

"Hmpf. Ako  naunang nagtanong." humalukipkip pa ako.

"Yes, mahal kita. Mahal na mahal."

Tumulo na talaga yung luha ko. Pero palagay ko tears of joy na to. Hindi ko maipaliwanag yung saya na nararamdaman ko. Tumalon ako para yakapin sya, niyakap nya rin naman ako.

"Mahal na mahal din kita." Pakiramdam ko ako ang pinakamasayang tao ngayon ko.

"Kurutin mo nga ako baka kasi nanaginip lang ako."

Nagkatawanan kami. "Korni mo ah."

Sana hindi na matapos ang oras na to, na magkasama kami, na masaya kami. I don't care about everything else as of now. Ang mahalaga ay ang ngayon.

My Brother, My LoverWhere stories live. Discover now