Chapter Nine

15K 211 9
                                    

CHAPTER 09

Pagpasok ko sa gate pa lang ng campus pinagtitinginan at pinagbubulungan na ako ng ibang mga estudyante. Problema nila? Is there something wrong with the way I look? Pagdaan ko naman sa hallway ganun na naman mga reaksyon nila. Nakakabwisit na ah. Patulan ko na 'tong mga 'to eh. Masakit pa man din ulo ko.

Pagdating ko sa classroom bukas 'yung laptop nung iba kong kaklase at nagkukumpulan pa. Nung na-sense nilang nandun na ako natigilan sila at naghiwa-hiwalay na. 'Yung iba nagkunwari pang may itinatype kahit na halatang ako ang topic nila.

Nakakaasar na. They're already beginning to get on my nerves. Ano ba talagang meron ngayon at wala akong kaalam-alam?

"Sydney, nandiyan ka na pala. You're so lucky." sabi ni Trish kasunod ang dalawa niyang alagad na sina Liza at Karen. Ang Powerpuff Girls ng classroom.

"Huh? Lucky?"

"Ang haba ng hair mo girl. So kailan pa?" asked Liza.

"We-we-wait. What are you talking about? I don't get it. Can someone explain it to me? Ano bang meron?"

"Sus, deny ka pa. Kalat na kalat na kaya sa buong campus. So, is Chad a good kisser? Gosh, that lips!" sabi ni Karen na punong-puno ng inggit ang mga mata.

'Yung picture na kinuha nila kagabi! Damn it. I'm going to kill whoever spread that stolen picture and I think I already have an idea on who that is. 

Nakatitig ako sa girlfriend ni Nico. I'm a hundred and one percent sure she's the one who spread it. Sino pa ba? Malaki talaga ang inggit sa akin ng babaeng 'yun e. Lalapitan ko na sana siya nang dumating na si Ms. Villa. Nagsi-ayos na kami at tinanong ko agad Camille nang umupo na siya sa tabi ko.

"Who spread that picture?" I whispered to her.

"I don't know. Nakita ko lang na pinagkakaguluhan na nila kanina pagdating ko."

Liar! Anong klase kang kaibigan? Sa loob-loob ko. Naiwan siya dun nung umuwi ako e. I'm sure she knows something but I just nod. Nagkaklase na kasi si Ma'am baka masita pa kami.

"Okay, class dismissed."

Nang marinig ko 'yun tumayo na agad ako at lumabas para hanapin ang room ni Ken o ni Inigo. They took the picture so I bet they know everything.

Hindi ako nahirapang maghanap dahil nakita ko agad sila malapit sa room ni Chad. Lumapit agad ako sa kanila at hindi na nagpatumpik-tumpik pa.

"Ken! Inigo!"

"O Sydney, bakit nandito ka? Hinahanap mo si Chad?" asked Ken.

"Bago mo na namang chick Ken?" sabi nung isa niyang kasama na hindi ko kilala. "Hanep ka talaga, bro."

My Brother, My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon