Chapter 2 - Si Puti

14.4K 342 28
                                    

"Condolence, Eli." Niyakap ko si Eli pagkakitang-pagkakita ko.

Namatay ang Lola ni Eli na si Lola Basyang. Kilala ko si Lola dahil doon rin ito nakatira sa dating bahay nila Eli sa bayan namin. Malimit nagkukwento si Lola Basyang sa amin noon tungkol sa buhay niya ng bata pa siya at lagi kaming nakikinig pero maya-maya ay tulog na kami ni Eli. Malapit si Eli kay Lola Basyang at alam kong mahal na mahal niya ito. Kaya pala umuwi ang buong pamilya dahil iyon ang hiling ni Lola Basyang. Matapos ng isang linggong pamamalagi sa bansa ni Lola ay binawian siya ng buhay. Nalaman ko kaagad kina Mama ang nangyari. Kaagad lumuwas sina Mama at Papa para makiramay at tumulong sa kung ano man gawain kina Eli samantalang ako ay ngayon Biyernes lang nakapunta dahil sa may pasok ako at klase.

"She just waited to return back here. She said she wanted to be with Lolo." I heard Eli sobbed. Alam na alam ko kung gaano niya kamahal si Lola. Kasi kahit ako ay mahal ko rin si Lola Basyang.

"And right now they are together. Their souls now are together." Pag-alo ko sa kanya.

"Yeah." I heard his soft chuckle.

"I am so relieved you are here, Niel. I really am." Nakatingin lang sa akin si Eli at ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.

"I want to meet Tita Ruth," sabi ko kay Eli dahil hindi ako mapalagay sa pagtingin niya sa akin.

"Saglit lang let's wait for a while."

"Bakit? Sinong hihintayin natin?"

"Eli!" Napatingin ako sa likod ko sa boses na aking narinig. Si Hannah.

"Paanong--"

"Oh good, Niel is here," salita pa ni Hannah. "He was looking for you during the first night." Napatingin ako kay Hannah matapos ay kay Eli.

"I tried calling you but you weren't answering so I called Hannah."

My phone was dead the whole time dahil naibagsak ko siya at hindi ko na mabuksan.

Tumango lang ako sa sinabi ni Eli. Of all people bakit si Hannah? Pwede naman niyang tawagan ang home phone number namin o ang number ni Kuya Romel at hanapin ako. But he didn’t.

"Bakit ngayon ka lang?" salita ni Eli na para bang nagtatampo ito kay Hannah.

"PTA meeting. Sorry. I am here now." Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang nag-uusap at pakiramdam ko ay dapat wala ako sa tabi nila. Again I felt funny from the way they talked to each other. Alam kong gusto ni Hannah si Eli pero si Eli? Napailing na lang ako.

"Niel, huwag kang tumayo lang diyan, tumulong ka sa pagaasikaso sa bisita. " Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Mama.

"Ma-maiwan ko na muna kayo," paalam ko sa dalawa kahit na ayoko silang iwan dalawa. Gustuhin ko man suwayin muna si Mama pero wala akong magawa.

Always The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon