Chapter 24

62.8K 1.2K 235
                                    

Chapter 24

Celebrate

I smiled bitterly as my hand started to caress my own scar. Magaling na ang sugat na iyon mula sa bala. I observed my whole form. Hindi ko mapigilang mapangiwi nang makita ko ang pamumutla ng mukha ko sa sarili kong repleksiyon.

"What are you doing?" Hindi ako lumingon kahit narinig ko na ang boses ni Em. Patuloy pa rin ako sa ginagawa. "At bakit ka naka-underwear lang? Paano kung may makakita sa'yo ng ganyan lang ang suot mo?"

"Picture-an na lang nila ako ng nakaganito para may souvenir sila." Walang gana kong sagot.

Kita ko ang bulto ni Em. Nasa likuran ko na siya. Sa salamin siya nakatingin, ganoon din ako, kung kaya nama'y nakikita ko siya.

"Are you okay?" Nag-aalala niyang tanong. Marahil ay natunugan niyang wala ako sa mood makipagbiruan. Hindi ko mapigilang mapabuntonghininga.

"Ang pangit ko na. Nakakainis." My insecurities started to form inside my system, slowly invading it with doubts. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko talaga mapigilan ang insekyuridad sa sarili ko. Habang tinitingnan ko ang bakas ng bala sa dibdib ko, ay hindi ko maiwasang mapanghinaan ng loob.

"Hey, it's okay." Pag-aalo ni Em. "That is your battle scar. If I was a boy, I will still totally do you."

I stared at her, mortified. "What the heck, Em!"

Napahalakhak si Em. "I'm just kidding. Pinapatawa lang kita. Hindi kita type, 'no. Siraulo ka talaga." Natatawa niyang sabi. "But yeah, seriously. Your scar is not bad, Ella. That scar shows what kind of person you are and how brave your heart is."

I smiled at Em gratefully.

"You know what, why don't we have a party? To celebrate your fourth life. Bibihira lang yung makaligtas ng tatlong beses, Ella. I really think we should do that. Party...party..." Em muttered the last words excitedly.

I giggled at her. "Kung papayagan ka ng boss."

Em smirked at me. "Kailangan niyang pumayag dahil bumabawi siya sayo."

I made up a face. "What the heck, Em. Hindi nga 'yon bumabawi sa akin. Tumigil ka na nga."

"Seryoso kasi! One time kaya nakita ko siyang---"

"Binabantayan ako pagsapit ng gabi, yada yada. Hay naku, Em. Malabo 'yon. Tumigil ka na. Akala ko ba tama na yung kakaasa kay Damon?" I frustratedly looked at her. Seriously. Hindi siya nakakatulong sa supposed to be moving on motto ko. 

"Okay, fine. Forget that I've said that. Anyway," She trailed off on her last words. "Papayag 'yang si Damon. Akong bahala." She winked at me through the mirror.

I shrugged. Malabong pumayag si Damon. Parang sinabi na rin niyang pumuti ang uwak kung ganoon.

"Ikaw bahala, ikaw din kawawa."

Em smirked at me. "Hindi ka ata bilib sa convincing skills ko, Ella."

"Ewan ko sayo. Convincing skills mo mukha mo." Pambabara ko sa kanya. "Oo nga pala, anong balita sa mafia n'ong tulog ako? Any other missions that I can take?"

She glared at me through the mirror. "Missions ka diyan. Kakagaling mo lang sa hospital, ha. Gusto mo na ulit bumalik?" I grimaced. "Pero ayun nga. Conviced ang Papi mo Damon na may traydor sa kampo. And he's on hunt para malaman kung sino 'yon."

"Dapat lang. Dahil kung hindi niya pa mahanap 'yon, baka isang araw naahas na sila dito sa mafia." Sabi ko. "O siya, puntahan mo na si Damon. Magbibihis lang ako."

"Alright, alis na 'ko. Bye!" Mabilis na umalis si Em at nagpunta na sa labas ng kwarto ko. Napailing na lamang ako as I stared right at her fading back. Umalis na ako sa salamin at nagpunta sa closet.

The Mafia Boss' Unwanted Wife (PUBLISHED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon