Chapter 25

62K 1.2K 313
                                    

Chapter 25

Enough

I never knew that hangover could hurt me like this.

Ni sa hinagap ko ay hindi ko inasahan na magiging ganito kasakit sa ulo ang hangover. I mean, yes, I do drink alcoholic drinks. Pero hindi ko inasahan na ganito kasakit ang epekto ng mga alak na nainom ko kagabi.

Hinawakan ko ang aking ulo, hoping that by doing that ay mabawasan ang bigat at sakit nito. Pero makalipas ang ilang minuto ay hindi pa rin iyon nawawala. Napapikit ako  ng mariin nang kumudlit ang sakit. Damn...I need to stop drinking too much kung gusto ko pa mabuhay.

Halos hindi na ako makagalaw dahil parang may mabigat na bagay ang nakadagan sa aking binti. I tried to wiggle my legs but the more that I move my legs, the more that I find myself failing from escaping.

Dahan-dahan kong sinubukang buksan ang aking mga mata. Napapangiwi ako habang unti-unti kong nabubungaran ang kabuuan paligid. Agad na nagdugtong ang kilay ko at nangunot ang aking noo nang masilayan ko ang itsura ng kwarto. Medyo pamilyar ang kombinasyon ng kulay ng kwarto kung nasaan ako.

Grey, black, white...

Grey...black...white...parang kakulay lang ng kwarto ni Damon. Napangisi ako habang napapailing na rin. Malabo namang nandito ako sa kwarto niya 'no. Halos ipagtabuyan niya nga ako one time noong sinabi kong gusto kong makita ang kwarto niya, e.

"Damon..." I frowned when I heard my own voice inside my head and a blurred scene started to play. Gosh. Boses ko ba 'yon? Bakit parang boses malandi? Oh my goodness...ano bang nangyayari sa utak ko?

Agad na nilibot ko ang paningin ko sa paligid ng kwarto para malibang ako at madistract sa boses na narinig ko sa isipan ko. Pero parang wrong move ata ang ginawa kong iyon dahil halos mawalan ako ng ulirat nang makita ko ang painting ng portrait ni Damon sa gilid. He was wearing his usual business suit. The dominating aura was evudent on the portrait, too. Malaki iyon at tiyak kong mapapansin iyon ng kahit na sinuman once na tumapak sila sa kwarto.

Nanlaki ang mga mata ko nang tumatak na sa akin ang nangyayari. Damn it! Kapag nakita ako ni Damon dito ay baka isumpa niya na ako ng tuluyan!

Akmang babaon na ako nang biglang nanigas ang buo kong katawan dahil sa mainit na hiningang tumatama sa gilid ng aking leeg.

Malakas na humampas ang puso ko mula sa aking dibdib. Dahan-dahan akong lumingon. Now I know what those leads who starred on the horror movies are feeling whenever something thrilling is about to happen. Ngayon ay alam ko na kung ano ang nararamdaman nila.

Halos mamutla ako nang mabungaran ko ang payapang mukha ni Damon. He looked so calm na halos maramdaman kong nagrerelax na ang sarili ko kung hindi ko lamang naalala na nalagay ako sa ganitong klase ng sitwasyon.

Ang matangos na ilong ni Damon ay halos dumikit na sa gilid ng aking leeg. And for some reason, his nose went even closer than it was before, barely leaving a space between my neck and his nose. My breath hitched. Halos kalimutan ko na ang huminga. Hindi pa nakatulong ang malakas na tibok ng puso ko at mas lalo pang nadoble ang kaba ko dahil doon.

Dahan-dahan akong lumayo at dinistansya ang sarili ko mula sa kanya. Doon ko malayang pinagmasdan ang lalaking nasa tabi ko. Ang mahahaba niyang pilikmata ang isa sa naging dahilan kung bakit nagmukha siyang maamo habang siya ay natutulog.

Hindi ko napigilan ang pagtaas ng aking kanang hintuturo. Kahit anong pagkumbinsi ko sa sarili ko na pigilan iyon ay hindi ko magawa.

I traced his forehead. Wala doon ang mga linya na nagpapakunot ng noo niya. My pointing finger went towards his nose. Matangos iyon. Habang ginagawa ko iyon ay hindi ko tinanggal ang titig ko sa mukha niya. Baka kasi bigla na lamang siyang magising at makita ako.

The Mafia Boss' Unwanted Wife (PUBLISHED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon