Chapter 21

53.9K 1.1K 98
                                    

Sana hindi kayo magsawang magsabi ng feedbacks sa story ko. At sana hindi rin kayo magsawang maghintay sa mga updates ko. Anyway, enjoy reading!

---

Chapter 21

First Love

Flashback

I have a blind date.

Hindi ko alam kung anong trip ni Em at sinet pa ako para sa blind date. Ang sabi pa nga niya, hindi na raw ako bata at kailangan ko na raw magboyfriend dahil baka maging old maid ako kapag nagkataon.

Napaka-oa. To think na 19 years old pa lang naman ako.

"Em, ayokong mag-make up! Date lang naman, e. Baka kapag nagpaganda pa 'ko. Mainlove sa akin yun." Nakabusangot kong sabi sa kanya. Em glared at me through the mirror.

"Ayaw mo n'on! Edi mabilis kang magkakaboyfriend! At 'wag mo ngang tanggalin ang kulot niyang buhok mo! Ang hirap kayang magkulot." Hinila ni Em ang buhok ko. Napangiwi ako nang bahagya.

"Hindi ko priority ang lovelife, Em! Kakabalik lang ng Ate ko. Baka makurot pa 'ko n'on sa singit kapag nalaman na may balak akong magka-jowa." Nakasimangot na ako sa kanya. Naiinis ako sa bigat ng mata ko dahil sa kakalagay ni Em ng eye shadow sa mata ko. Inaantok na ako. Walanghiyang make up 'yan.

"E 'di kurutin mo rin sa singit. Magkurutan kayo." Em nonchalantly said

"Siraulo ka." Nakanguso kong tugon. Kumunot ang aking noo nang mapansin kong tinakpan ni Em ang salamin na nasa harapan ko. Mas lalong sumimangot ang mukha ko nang hindi ko na makita ang mukha ko. Baka mamaya, ginawa na kong bakla nitong si Em.

"Pinagpaalam mo na ba ko kay Ate?"

Ramdam kong parang nanigas si Em. Naningkit ang aking mga mata.

"A-ayoko ngang magpaalam sa Ate mo. Ikaw na lang." Agad akong napalingon sa kanya nang sabihin iyon. Napatigil siya sa kanyang ginagawa nang lingunin ko siya.

"Siraulo ka ba?! Walang hiya ka, Em. Minakeup-an mo na ako dito tapos hindi mo pa pala ako napapaalam." Nakabusangot na ako habang sinasabi iyon. Parang gusto ko na lang tanggalin ang lahat ng koloreteng nasa mukha ko dahil sa sinabi ni Em.

"E-eh! Ayoko magpaalam sa Ate mo. Napakasungit ng mukha niya, 'no! Pakiramdam ko kakainin niya ako ng buhay kapag kinakausap ko siya, e!"

"Sinong kakain sayo ng buhay?" Halos matumba kami sa kinauupuan namin nang marinig namin ang boses ni Ate. Nanlamig bigla ang pakiramdam ko. Si Em naman ay halos mamutla at hindi na alam ang gagawin.

"At ano 'yang trip mo, Ella? Bakit naka-make up ka? Hindi ba't pinapagawa pa kita ng gawaing bahay?" Nakataas ang kilay na tanong ni Ate sa akin. Napangiwi ako sa tigas at taray ng boses niya. Minsan talaga kapag nagsasalita si Ate, parang batas na dahil walang kahit sinuman ang makakapagpabali noon.

"Love, pabayaan mo na ang kapatid mo. Bata pa 'yan kaya dapat nage-enjoy lang siya." Maya-maya pa ay biglang sumulpot si Damon. Inakbayan niya si Ate mula sa likod. Kita ko ang paglambot ng mga mata ni Ate nang matitigan niya si Damon. My heart hurt for no reason. How I wish na makatagpo ako ng lalaki na ganyan din ang mga tinginan sa akin. I can see the love that Damon has for Ate Erin.

"O siya, ako na ang bahala dito sa Ate niyo. Ituloy niyo na lang 'yan. Alam kong may lakad pa kayo." Nakangiti si Damon habang sinasabi iyon. Tumalikod na siya pagkatapos habang inaakbayan si Ate Erin. Nanatili pa rin akong tulala habang inaalala ang itsura ni Damon.

"Hoy!" Em's loud voice snapped me out of my own thoughts. "Baka nakakalimutan mong magiging asawa na 'yan ng Ate mo!"

"Bakit ba? Crush lang naman, e." Nakanguso kong sabi kay Em. "Tingnan mo naman kasi ang maskels niya. Grabe. Feeling ko ang sarap maglambitin diyan for life. Willing akong magpakaunggoy basta ganyan kagwapo ang lalambitinan ko."

The Mafia Boss' Unwanted Wife (PUBLISHED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon