Chapter 3

56.7K 1.5K 272
                                    

Chapter 3

Sugat

"I heard Damon's pissed yesterday. Ginawa mo na naman ba ang sa tingin ko'y ginawa mo?"

It was Sunday. Family day, that's the stereotype for everyone. Pero ako? Kami? Nah. Hindi uso sa amin ang araw pampamilya. Ni magsimba nga, hindi uso sa amin e.

Patuloy kong pinaglaruan ang spaghetti gamit ang tinidor na hawak ko. Alas siete na ng umaga. Maaga akong nagising para kumain. Nagluto ako ng agahan. Em texted me if I have already cooked a breakfast because she wanted to eat with me. Tinatamad daw kasi siyang magluto ng agahan.

Napabuntonghininga ako. "Kailan ba sumaya si Damon? Atsaka normal lang naman 'yang mukha niya e. B*tch face kumbaga." Napabungisngis na lang ako.

Sa totoo lang, nanghihina talaga ako ngayong araw. Hindi ko alam kung bakit, pero ang sakit sakit ng ulo ko. Parang pati yung braso ko nga nananakit din e. Probably because of my injury. Pero ewan. I am feeling bad today.

Kumunot ang noo ni Em. "Are you okay? You look pale." Ibinaba niya ang tinidor niya sa plato. Halos hindi pa siya nangangalahati sa kinakain niya. Lumapit rin siya sa akin para tititigan ako sa mukha.

Sinubukan kong ngumiti kahit kumikirot na ang sugat ko. "I'm okay, Em. Eat up. Ubusin na natin 'to. Ayaw kong nag-iiwan ng pagkain." Umakto akong parang maganang kumakain.

Siguro para na akong tanga kasi hindi ko pa rin sinasabi kay Em na nananakit ang sugat ko kahit siya naman talaga ang doktor. I just think I have been really a burden for her.

Nag-aatubili man ay sinunod niya na lang din ako. Sinubukan kong nguyain ang spaghetti kahit na wala naman akong nalalasahan. Nagtataka nga ako kung bakit hindi nagrereklamo si Em sa lasa e. Baka talagang naitama ko ang timpla?

"May chismis ba ngayon sa mafia?" Curious kong tanong. Wala akong masyadong kaclose sa mafia bukod kay Dumbo at sa kanya. I've been treating them as my own friends and family inside the association.

Nilunok muna ni Em ang kinakain niya bago siya magsalita. "Yeah. Buti na lang naitanong mo 'yan. Isa rin 'yan sa mga reason kung bakit ako nagpunta dito e." Kinuha niya ang tissue sa may tabi ng plato niya at marahang pinunasan ang bibig niya.

"Damon hired new members for the mafia, particularly those who are working on the field." Kumunot ang noo ko habang sinasabi niya iyon. Bakit naman naisip ni Damon gawin 'yon?

"What do you think is the reason kung bakit niya ginawa 'yon? As far as I'm concerned ay halos wala ng bakante iyong field na 'yon hindi ba?" Kinuha ko ang baso at ininom. Tsaka ko lang napansin na nanghihina na ako nang mag-umpisang manginig ang baso. Hinigpitan ko ang kapit kahit nanghihina na ako.

Em shrugged. Mukhang hindi naman niya napansin ang pagkakahawak ko sa baso. "I don't know what's running inside your husband's head." She frowned.

"Sperm. Sperm ang tumatakbo sa ulo niya." Ngumisi ako. Nanatiling nakakunot ang noo niya nang sabihin ko iyon. Ibinaba ko na ang baso at kumindat sa kanya.

Nang magets niya ang sinabi ko ay namula ang mukha niya. Natawa ako habang nakatitig sa mukha niyang sobrang pula. Halos mamula na rin ang leeg at tainga niya.

Parang bigla akong nagkaroon ng enerhiya habang nakatingin ako sa mukha ni Em. Parang nakalimutan kong masakit ang ulo ko habang nakatingin sa kanya.

"Ikaw! Ang lakas mo talagang mang-asar. Ang green ng utak mo!" Binelatan ko na lang siya. Natatawa talaga ako kay Em. Masyado kasi siyang inosente kahit astig-astigin.

Naputol ang pag-uusap namin nang tumunog ang cellphone ni Em. Kumunot ang noo niya at kinuha ang cellphone mula sa bulsa ng suot niya. She was wearing a white gown. Mamaya kasi ay papasok na siya sa duty niya kung kaya nama'y nagbihis na agad siya ng damit.

The Mafia Boss' Unwanted Wife (PUBLISHED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon