Chapter 19

49.3K 1.2K 165
                                    

This is dedicated to all the readers who stayed despite of my slow updates pft hahahaha!

Chapter 19

Ligtas

"Did you check her room?"

Bago kami umalis ng kampo ay tinanong ko si Leon at pinakiusapang tingnan ang kwarto ni Ella. Mas mabuti ng maging sigurado bago kami umalis. Sa dami ng mga pakulo na kayang gawin ni Ella, kailangan kong i-double check lahat. Ewan ko kung anong meron siya at kaya niyang sirain ang mga plano ko nang ganoon lamang kadali.

"Positive, Sir. Nandoon po siya sa loob at natutulog." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Parang bigla akong nabingi sa sinabi niya.

"Sinilip mo? Did you do anything more than that?" Matigas kong tanong.

"S-sir? S-sabi niyo po i-check ko kaya tiningnan ko p-po sa loob..." nauutal na sambit ni Leon sa akin.

Napangiwi ako at kinamot ang kilay ko. Tama nga naman siya. Halos sabunutan ko na ang sarili ko sa frustration na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit naiinis akong isipin na may ibang lalaking makakakita sa kanya sa ganoong kalagayan gayong ako naman itong nag-utos sa tauhan ko na tingnan siya sa loob ng kwarto niya.

"Alright. Go to your team. Aalis na tayo." Tumango siya pagkatapos ay tumalima sa aking inutos. Tumakbo na siya patungo sa sasakyang nakalaan para sa kanilang grupo. Nauna na itong umalis. Sinadya kong magpahuli kasama ang iba ko pang tauhan na naka-assign sa mismong field para masigurado kong magiging maayos ang planong ginawa ko ngayong gabi.

Tonight is probably one of the biggest fight and mission that my mafia has to encounter. We are set to attend an auction wherein one of the most valuable piece is currently held for bidding inside that place. At nasisigurado kong hindi na naman matutuloy ang auction sa kadahalinang madaming gahaman na negosyante at maging mga mafia na katulad ng sa amin ang pupunta doon at nanaising angkinin ang pirasong iyon ng libre at walang kahirap-hirap.

At naisip kong unahan ang mga gahamang iyon bago nila kuhanin ang mahalagang piraso na kailangan ko para mapatibay ang mafia.

That is one of the main reason as to why I divided the organization into different groups para mas matutukan ang pagkuha sa pirasong iyon at maging sa pakikipaglaban sa iba pang tao na magtatakang kuhanin iyon.

Ang magaganap mamaya ay isa rin sa dahilan kung bakit ayaw kong sumama sa Ella sa mismong event. Baka naisin niya pang sirain ang plano at ang execution nito.

O baka nag-aalala ka na masaktan siya? Tudyo ng kabilang bahagi ng aking utak.Agad namang kumunot ang aking noo habang iniisip iyon.

Hindi. Hindi maaari. Malabong mangyari na mag-alala ako sa kaaway at nag-iisang dahilan kung bakit ako malungkot at kung bakit ako nag-iisa at hindi kasama ang mahal ko.

Iiling-iling na lamang ako. Tumunghay akong muli sa pasukan ng malaking gusali kung saan nakalagak ang headquarters ng mafia. Sa gitna ng maberde, malawak at tahimik na kagubatan ay nakalagak ang gusaling iyon kung saan hindi ito madaling makita ng karamihan.

Sinuyod ko ang kabuuan nito pagkatapos ay tumalikod na ako patungo sa aking sasakyan para umalis at magpunta na sa aking patutunguhan.

-

The blinding lights that illuminated all through out the room will never be unnoticed in one's eye. Hindi rin nakalampas sa aking paningin ang mga elegante at naggagandahang gown ng mga babae at maging ang chandelier sa itaas na bahagi.

As the minutes passed by, I encountered different person with different personalities. Ni hindi ko na nga makilala ang iba kahit na panay ang ngiti nila sa akin. Ang iba ay tinatanguan ko kapag naaalala ko ang mukha at pangalan.

The Mafia Boss' Unwanted Wife (PUBLISHED) Where stories live. Discover now