Chapter 20

57.5K 1.4K 289
                                    

Didn't proofread this one. Saka na yung dedication kapag nag-online na ako sa web. Happy reading! Or not? Hahahaha!

Chapter 20

Black

"O, isa pa." Masamang tingin ang ipinukol sa akin ni Em habang iniuumang niya sa akin ang kutsara na may lamang lugaw. Niluto niya pa iyon dahil wala sa menu ng cafeteria ang kahit anong pagkain na may sabaw.

"Bakit naman parang napilitan kang magpakain sa akin diyan?" Nakanguso kong sabi sa kanya. The beeping sounds of the machine can be heard inside the room.

Nasa clinic kami ngayon. Nandito na ako magmula pa noong gabi. Wala ako sa ordinaryong clinic ni Em. Kagabi ay ibinukod niya ako sa isang mas magandang kwarto para mas matututukan ako ng mabuti. Hindi naman pwedeng dalhin ako sa ospital dahil baka tanungin ako ng kung anu-ano doon. Ayaw ko namang mapahamak ang kahit sino sa mafia dahil parte na rin sila ng buhay ko.

"Talaga! Talagang napipilitan ako! Paano ba naman 'tong sinusubuan ko, ang tigas tigas ng ulo!" Naningkit na ang mata ni Em habang nakatitig sa akin. She looked both like a tigress and a cat habang nakatitig ng masama sa akin. Napangiwi ako.

"Sinong matigas ang ulo? Ako? Hala. Ang bait ko kaya." Painosente kong sabi. Sumandal ako sa kama na hinihigaan ako, feeling the softness of the bed that I am currently in. Kanina ay in-adjust ito ni Em para makakakain ako ng maayos.

"Hay naku, Ella! Pakiramdam ko tatanda ako ng maaga habang kasama ka. Siraulo kang babae ka. Ano ba kasing natripan mo at nakipaglaro ka na naman kay Damon kagabi?" Em looked so frustrated. Parang gusto niya na nga akong hampasin ng mangkok kung wala lang akong sugat, e.

Last night was probably one of the most adventurous and dangerous act that I have ever done. Hindi ko nga rin alam kung bakit imbis na ibigay ko na lang ng diretso kay Damon ang piyesa ay mas pinili ko pang asarin siya at pikunin. Ayan tuloy at nagkainjury pa ako.

Napahagikhik ako, ngunit maya-maya ay bigla rin akong napangiwi. The wound at my chest still stings. Kunsabagay kasi ay isang araw pa lang naman ang nakalipas magmula ng nasugatan ako.

"Na-boringan kasi ako. Kaya yun. Tsaka look! Buhay pa naman ako, e. Chill ka lang, Em." Kumindat pa ako kay Em. She glared at me in return. Maya-maya pa ay napaungol na lang siya.

Nilagay niya ang lugaw sa bedside table pagkatapos ay napasabunot siya sa kanyang sarili. Napapangiti na lamang ako nang parang walang lakas siyang napaubob sa tabi ko.

"Chill-chill ka diyan. Siraulo ka. Akala ko mamamatay ka ng hayop ka." Napaawang ang aking labi nang mag-taas baba ang balikat niya.

"Em! Huy! Umiiyak ka ba?" Niyugyog ko ang balikat niyang nakadantay malapit sa kanang kamay ko.

Bahagya akong napangiwi sa gulat habang hinahawakan ang sugat sa aking dibdib nang tumunghay siya at tumitig sa akin. Kalat ang luha sa kanyang mukha at namumula ang kanyang mga mata.

"Oo! Gaga ka kasi! Bakit mo pa kasi niligtas yung siraulong 'yon! Hindi ka niya deserve. Dapat siya na lang yung nandito, e! Or better yet dapat namatay na lang 'yong demonyong 'yon e." Napalabi pa siya pagkatapos. Pilit akong ngumiti.

Kumunot ang noo ko pagkatapos. "Okay na nga, Em. Okay na ko. Yun lang naman yung mahalaga, 'di ba?" I smiled. "Ay, siya nga pala. Dumalaw na ba si Damon dito?" Parang balewalang sabi ko habang pinaglalaruan ang dextrose na nakakabit sa kamay ko. Pero sa katunayan, hindi maawat ang paghampas ng puso ko mula sa aking dibdib sa isipang iyon.

I know that he is probably mad at me but umaasa pa rin ako. Kahit na alam kong malabo. Kahit na alam kong imposible. Umaasa pa rin ako na may pakialam siya sa akin. Siguro ganoon talaga ang tao. Kahit alam nilang malayong mangyari ang gusto nila, hindi pa rin nila maiwasang umasa. Because it's in human's nature to expect something even though it is far from happening.

The Mafia Boss' Unwanted Wife (PUBLISHED) Where stories live. Discover now