Chapter 29

52.7K 1.1K 290
                                    

Chapter 29

Story

It was gruesome.

I can see traces of blood across the floor. Sa sobrang dami nga'y hindi ko na alam kung kaninong dugo ang kumakalat. Halos makita ko pa ang pagkalabas ng dugo sa mga katawan nila habang binabaril sila ng mga kalaban nila.

Napakaraming tao sa kampo ni Vincent at ganoon din sa kampo ni Damon. They were battling each other as if it was the last. Every minute was passing slowly. All I can hear is the sounds of gun all over the hall. Pasalamat na lang ako at hindi ako natatamaan kahit papaano.

I surveyed the whole place, hoping to find something to open the lock of these chains. In no luck, I found nothing. But then I remembered something. Inobserbahan ko muna ang lahat. They were still busy with the fight.

So I moved. I immediately kicked my shoe backwards. Kasabay niyon ay ang pag-atras ko hanggang maramdaman ko na ang dingding. I winced slightly when my back that is filled with bruises felt the coldness of the wall.

Nagpapasalamat na lamang ako at maingay ang paligid kung kaya't hindi nila marinig ang pagkalansing ng kadena na nakagapos sa akin.

Kinapa ng aking mga kamay sa likuran ang sapatos na itinulak ko patalikod. Nang mahawakan ko iyon ay dinukot ko sa loob ng sapatos ang pinakatatago kong hairpin na madalas kong idinidikit sa itaas na bahagi ng loob ng aking sapatos.

And despite feeling the soreness of my muscle, I smiled, thinking that I'll be free in just a matter of seconds. I picked the lock and got out of the chains.

I was finally free from the chains that binded me for almost three days. I stood up and huffed. Adrenaline started pumping in my veins.

Ruso was the first one to notice me. Galit na sumugod siya sa akin. Nginisian ko siya. Nang makalapit siya sinugod niya ako kaagad ng suntok. Yumuko ako at agad na sinuntok siya sa tiyan. Napaubo siya. Pagkatapos ay sinuntok ko rin siya sa panga na ikinatumba niya.

I ran out of breath after that. Muntik pa akong matumba kung hindi ko lamang napigilan ang aking sarili. I regained my balance and started walking slowly. But I was stopped. May humila sa aking buhok at humila sa akin pababa, dahilan para mapaluhod ako. Napasigaw ako sa higpit ng kapit ng kamay na iyon sa aking buhok.

"Akala mo makakatakas ka? Think twice." I shivered when he went close to me and whispered these words at my ear. Lapastangan.

"Muntik na nga, e. Sayang lang." Nakangisi kong sagot kay Vincent. Napangiwi ako nang mas lalong higpitan niya ang kapit sa akin.

May dalawang lalaki ang pumunta sa likuran ko at pinilit akong patayuin. Marahil ay inutusan ni Vincent. Napasigaw ako sa sakit nang madiin nilang pinisil ang kamay ko kung saan nagdudugo na ng sobra-sobra ang sugat ko. Hindi pa nakatulong ang madiing pagkakalagay ng kadena doon.

"Saan niyo ko dadalhin?!" Pasigaw kong tanong. Patuloy pa rin ang bakbakan sa kwartong iyon. Ni hindi ko na nga maaninag si Damon dahil masyado na akong nadadala sa sakit ng aking kamay.

"Bring her to the dungeon." Nakangisi si Vincent habang nakaupo lamang at pinapanood ang mga tauhan niyang nakikipaglaban para sa kanya. Hindi ko man lamang napansin na nabitawan na niya ang buhok ko.

"Damon!" I frantically shouted. Nakakainis! Hindi man lang ako makakilos ng maayos! Slowly, my eyes were fluttering because of too much stress and weariness. Pilit ko na lamang na pinapanatili ang pagbukas ng aking mga mata.

"Fuck!" I immediately recognized the voice and was suddenly filled with hope. Binuksan ko ang aking mga mata at unti-unting naaaninag ang bulto ni Damon. He looked so worried with a bit or anger radiating within his body. Sa bawat paglapit niya sa akin ay ang paghawi niya sa mga tao. Binabaril niya ang mga ito sa balikat at binti.

The Mafia Boss' Unwanted Wife (PUBLISHED) Where stories live. Discover now