Chapter 7

47.4K 1.1K 70
                                    

Chapter 7

Amnesia

Flashback

"Who are you?"

Hindi ko mapigilan ang pagkabagsak ng panga ko nang biglang magsalita si Damon pagkadating ko sa ospital. Hindi ko alam kung nagjo-joke lang ba siya. Bakit naman niya ko makakalimutan?

"Ano ka ba, Damon, ako 'to, si Ella. Yung kalaro mo." Nanginginig kong sabi. Kahit musmos pa lang ako kung tawagin, may ideya na ako kung bakit hindi ako maalala ni Damon. Kung bakit parang hindi niya ako kilala. Pero ayaw ko. Ayaw kong tanggapin. Ayaw kong paniwalaan na baka yun nga.

"E-Ella?" Kunot noong tanong ni Damon. Maya-maya pa ay napapikit siya. Hinawakan niya ang ulo niya na para bang nasasaktan siya.

Napapikit na lamang ako nang pumalahaw ng iyak si Damon. Rinig ko ang pait at sakit doon. Parang nasasaktan na rin ako habang naririnig siyang paiyak na sumisigaw.

Maya-maya pa'y tuluyan ng tumulo ang luha ko. Hindi ko matanggap. Sa bata kong pag-iisip ay parang naiintindihan ko ang lahat.

Damon has an amnesia.

And my name can trigger him any pain.

Kinagat ko ang aking labi habang nakatingin sa kanya. Agad siyang dinaluhan ng mga nurse mula sa labas. They injected some kind of chemical to him to calm him down. Nanlalabo ang aking mga mata habang nakatingin sa tanawing nasa harapan ko.

Damon...

He can't remember me.

Agad akong lumingon sa Papa ni Damon. He looked sad and lonely. Nang dumako ang paningin niya sa akin, ay inilingan niya ako. Para bang sinasabi niya sa aking wag. Tama na. Na tumigil na lang muna ako.

Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko habang nakatingin sa nakahigang si Damon. Kalmado na siya at kasalukuyan ng nakahiga sa kama at walang malay.

"I'm sorry, iha. Mas mabuti siguro na umuwi ka muna. Baka hinahanap ka na ng Mama mo. Sino bang kasama mo ditong pumunta?" Pero sa halip na sagutin siya ay tulala lang akong nakatingin kay Damon. Hindi ko alam pero sumasakit ang puso ko habang nakatitig sa walang malay na si Damon. He looked so fragile and vulnerable.

"Tito, naaalala naman po niya ako diba? Hindi naman po pwedeng makalimutan niya ako, diba?" Nanginginig ang mga labi ko habang binibigkas ang mga salitang alam kong hindi totoo. Mga salitang ayaw kong paniwalaan.

"I'm sorry, iha." Malungkot na sabi ni Tito. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Yung mga panahong kasama ko siya sa playground...

Yung mga araw na palagi kaming naglalaro...

Yung sinabi niya sa aking mananatili siya sa tabi ko kahit anong mangyari...

Lahat ng 'yon, wala ng saysay dahil hindi na niya ako maalala. Hinawakan ko ang aking dibdib. Ang sakit. Ang sakit sakit isiping hindi na ako maaalala ng batang lubos kong pinapahalagahan. My lips started to quiver. Bago pa man tumulo ang luha ko ay mabilis akong lumabas ng kwarto.

Rinig ko ang mabilis na yabag ng aking mga paa sa hallway habang malakas na humahampas ang hangin sa aking mukha. Lumalamig ang pisngi ko dahil sa hangin. Sinabayan pa iyon ng mabilis na pagragasa ng mga luha ko mula sa aking mga mata patungo sa matambok kong pisngi.

Suminghot ako nang masilayan ko na ang labasan ng ospital. Pinunasan ko ang aking pisngi gamit ang likod ng aking palad. Nakasimangot ako habang nakatingin sa labas. Nang mapagod ako ay yumuko ako at hinawakan ang magkabila kong tuhod.

Hindi ko matanggap. Hindi ko matanggap lahat. Sana panaginip lang 'to. Sana joke lang lahat.

Ang sabi nila, kapag bata ka pa ay puro saya lang. Pero bakit...

Bakit ako nasasaktan? Bakit masakit?

Humagulhol ako ng iyak. Hindi maintindihan ng bata kong isip kung bakit sa tuwing naaalala ko ang mga alaala namin ni Damon ay kumikirot ang puso ko. Hindi ko maintindihan.

Mabilis akong tumakbo palabas. Pumikit ako. Pagkatapos kong pumikit ay tsaka tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko. I clutched my chest while running.

Sana mawala na lang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Sana mawala na silang lahat.

Hindi ko alam na sa pagmulat ng aking mga mata, matutupad pala ang lahat ng mga hiniling ko.

---

"Iha, anong naaalala mo?" Pagkamulat ng mga mata ko ay kaagad akong tinanong ng doktor na nasa harapan ko. Kumunot ang aking noo. Doktor? Bakit ako nasa ospital?

Hindi ko siya pinansin. Tumingin ako sa Mama ko. Nagtataka ko siyang tiningnan. "Mama, bakit ako nasa ospital?" Nalilito kong tanong.

Hindi ko maintindihan kung bakit ako nandito. Nasa playground lang naman kami ni Ate pero bakit nandito na ko ngayon? Bumaliktad ba yung swing na sinasakyan ko kanina? Kinapa ko ang ulo ko ngunit napangiwi rin ako pagkatapos. Hindi pa nakadagdag ang amoy ng kwarto kung nasaan ako. Ayaw na ayaw ko talaga ng amoy ng ospital. Para akong mahihilo na mahihimatay.

"Hindi mo ba naaalala, 'nak? Nasagasaan ka ng sasakyan kanina. Ikaw naman kasi, bakit mo pinuntahan si Damon dito sa ospital! Dapat nagpasama ka na lang kay Manang Fely. Naku, ikaw na bata ka! Pinag-aalala mo talaga kami!" Naiiyak na sabi ni Mama habang nakatingin sa akin. Niyakap siya ni Ate Erin.

Nasagasaan? Ako? Sa playground?

Damon. As his name echoed inside my mind, my head started to ache. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang sumakit ang ulo ko. Parang binibiyak. Parang may tumitibok. Napasigaw na lang ako sa sakit. Kasabay niyon ay ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko.

Dinaluhan ako ni Mama. Halata sa mukha niya ang pag-aalala. Mabilis na tumibok ang puso ko habang patuloy na umuulit sa aking utak ang pangalan na iyon.

Damon.

Why can't I remember him? Bakit wala akong maalalang kahit ano tungkol sa kanya? Somewhere deep inside me is seeking answers.

"Erin, tumawag ka ng doktor. Bilis!" Natatarantang sigaw ng Mama ko. Hindi matigil ang luha ko sa pagtulo. Somewhere deep inside my heart is telling me to force myself to remember Damon. Whoever he is.

"Mama, si D-Damon...sino siya? Bakit hindi ko siya maalala? Mama..." Naiiyak kong pakiusap. Sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya ay sumasakit ang lahat sa akin. Pero gusto kong malaman. Gusto kong malaman kung sino siya at anong naging parte niya sa buhay ko.

Sino ba si Damon?

---

The Mafia Boss' Unwanted Wife (PUBLISHED) Where stories live. Discover now