Chapter 9

48.6K 1.2K 252
                                    

Chapter 9

Sakit

Pinaikot ko ang tinidor sa kinakain kong carbonara. Nakapatong ang palad ko sa aking baba habang pinaglalaruan ang tinidor. Tahimik ang paligid at wala masiyadong tao dahil alas-onse na ng gabi.

Hindi ako nakatulog ng maayos. At hindi na marahil ako makakatulog pa. Sa tuwing pinipikit ko ang aking mga mata ay naaalala ko ang paghawak ko sa baril at pagpihit ng gatilyo nito, maging ang pagpunta ng bala sa dibdib ng Ate ko ay naaalala ko rin.

Napapikit na lamang ako. Maybe the fact that today was Ate Erin's death anniversary today didn't help, and instead, it added up to the nightmare.

Isang malakas na pagbagsak ng tray ang gumambala mula sa aking pag-iisip. Itinaas ko ang aking paningin para lang magulat sa lalaking nasa harapan ko.

Damon.

"A-anong ginagawa mo dito?" I stuttered while saying those words.

Hindi niya ako pinansin. Instead he dig into his food and literally shove it towards his mouth. I gaped at him. Certainly, there must have been something behind all of this. He couldn't be just sitting in front of me and eating his food...with me...right?

Nanatili pa rin siyang tahimik. Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Hindi ako makakakain habang nakatitig ako sa kanyang maganang kumakain.

He chewed his food like there's no tomorrow, not offering a glance towards my direction.

Maya-maya pa'y bumagal ang pagnguya niya. I was still sitting in front of him. Frozen and unmoving.

"Why aren't you eating?" Seryoso niyang sabi. Hindi pa rin nakatingin sa akin ang mga mata niya. He was devouring the spaghetti slowly. Para bang ninanamnam niya ang lasa niyon. Sa sobrang pagnamnam niya ay hindi niya na kaya pang tumingin sa akin.

"Why are you here?" Mariin kong tanong sa kanya. I was not so in the mood for jokes and banters. My heart was hurting from my nightmares and my eyes didn't help that much because I've been crying nonstop ever since I tried to fall asleep kanina.

I tried to sleep, really, believe me I've tried. But everytime I close my eyes, it was like history is repeating itself. My shaking hands, the loud beating of my heart, the sound of the gun, and the tear that escaped right from my eye...yung mismong oras na lumabas ang bala mula sa baril na hawak ko, at nagtungo papunta sa puso ni Ate Erin...

It was slowly passing beneath my mind, haunting me like a memory. And everytime na naaalala ko iyon, I can't help but to cry. Slowly regretting doing that. But my heart says I should not regret it. Not at all.

"Bawal na ba akong kumain dito?"

"Bakit ka sa harapan ko umupo? Marami namang bakante dito, ha?" Mariin kong tanong. I was really determined to know the answer because the fact that my heart keeps hammering against my chest, is slowly bothering me and making me nervous at the same time.

Hindi kumibo si Damon. Instead, he messed up with his food. Pinaikot niya ang spaghetti, the way I used to curl it a few minutes ago. I glanced at his food. It was saucy and all. I bet it tastes delicious katulad ng kung gaano ito kasarap tingnan.

Patuloy niya lang iyong ginawa. Samantalang ako ay nanatili pa ring nakatanga sa kanya, unsure of what Damon is doing and thinking. Ni minsa'y hindi sumagi sa utak ko na mapupunta kami sa sitwasyong ito. Yun bang hindi na kami gaanong nagsisigawan at nagpapalitan ng mga masasakit na salita.

But then, I guess nothing seems to last forever.

Inilapag ni Damon ang tinidor sa tabi ng plato. Hindi gaanong malakas at hindi rin gaanong mahina ang pagbagsak niya sa tindor. Gayon na lamang ang gulat ko nang pagkatapos niyang ibaba ang kanyang tinidor ay inangat niya ang kanyang paningin at tumitig siya sa akin.

The Mafia Boss' Unwanted Wife (PUBLISHED) Where stories live. Discover now