Chapter 27

48.2K 1K 45
                                    

Chapter 27

Past

Parang pinukpok ng martilyo ang ulo ko nang magising ako. Sa sobrang sakit ng ulo ko ay nararamdaman ko ang maya't mayang pagngiwi ng aking mukha. I can't seem to conceal the pain. It was visible and my body's feeling it.

Lutang ang pakiramdam ko habang pilit na inaalala ang nangyari. Bit by bit, my memories started rushing towards me. The alarm...the intruder...the pain...

I grimaced. Parang biglang bumalik sa akin ang sakit ng paghampas ng taong iyon sa ulo ko dahil sa pag-alala ko sa mga nangyari.

Kahit na nananakit pa ang aking katawan, partikular na ang aking ulo, ay pinilit ko pa rin ang aking sarili na kumilos upang kahit papaano ay may mahanap akong kahit na anong bagay na maaaring makatulong sa akin upang malaman kung nasaan ako at kung anong tunay na pakay ng mga taong dumakip sa akin.

I surveyed the place where I am currently confined. It was dark...and eerie. Para bang hindi natirhan ang lugar na ito sa loob ng napakahabang panahon.

Kahit na ngayon lang ako nahuli, hindi ko maiwasang magtaka kung bakit wala man lang akong kahit na anong blindfold sa mata o lubid sa aking kamay.

It was almost...unreal. Hindi kaya sinadya na hindi ako talian at piringan? Ano ang plano ng dumakip sa akin? I shrugged the thought.

I tried to adjust my sense of sight to blend my vision in the dark. Nadadaplis man ang aking paa at paminsan-minsan man ay nadadapa ako, hindi ako tumigil sa paglalakad. Kinapa ko ang pader upang mabuksan ang switch. Maya-maya pa'y nakapa ko na ang switch at bumungad ang magulong kusina.

Kipkip ang aking masakit na ulo, dahan-dahan kong binaybay ang lugar. Sa bawat hakbang ay 'di ko maiwasang kabahan. Madumi man ang lugar, para bang may nagsasabi sa akin na alam ko kung nasaan ako.

Nang mapadpad ako sa sala ay 'di ko na maiwasang manigas. Tanaw ko mula sa kinatatayuan ko ang drawer at ang picture frame na nakapatong doon.

Agad akong nanlamig nang masuri ko ang buong lugar. Ang pamilyar na sofa at ang mga natirang larawan na nakasabit pa sa dingding ng bahay na ito...

Due to the sense of urgency that I was feeling as of the moment, I immediately run out of wits, disregarding the pain in my head and losing all my reasons.

I run towards the door and even though I got hesitant for a little while, I gently gave the door a little to push to let me see a bit of what it has to offer.

I...I am now facing the beach...this...this house was our last house after the fire took place.

Tumakbo ako patungo sa dati kong kwarto. Hindi ko alam kung bakit. But my gut's been telling me that I should do it.

Binuksan ko ang lahat ng drawer nang hindi sigurado kung anong hinahanap ko. Nanginginig man ang mga kamay ko sa sobrang pagkataranta ay hindi ako nagpapigil. Ramdam ko ang minsanang pagpapawis ng aking noo, kung kaya nama'y pinupunasan ko iyon gamit ang likod ng aking palad.

Nanghina ako nang wala akong makitang kahit ano. Kalalabas ko lang ng kwarto nang biglang manigas ako sa kinatatayuan ko. I felt a chill travelling towards my spine.

Here I am, standing...currently facing my late sister's old room.

Napatulala ako nang may alaalang biglang pumasok sa utak ko.

-

"Ate! Ate Erin!" With my shaking hands, I mustered my strength and helplessly shook her just to wake her up. Pilit ko siyang ginigising kahit na alam kong huli na. Mapungay ang mga mata ni Ate Erin at tila ba kahit anong oras ay tuluyan na itong pipikit.

"Ate please...stay awake. I didn't mean to...I wasn't..." Naiiyak kong sabi. "We can still start a new life and leave everything behind. Let us just forget everyone...everything..." Halos mapahagulhol na ako sa sobrang paghihinagpis. Hindi man lang sumagi sa isip ko na maaari kaming humantong sa ganiton sitwasyon.

Umubo si Ate Erin at tumulo ang dugo mula sa kanyang bibig. Lalong sumakit ang aking dibdib.

Sa namumungay na mga mata'y bigla siyang nagsalita. "Ella, live...live your life happily. Remember that I... I did everything to save you. I love you..."

And with that, she breathed her last breath.

-

The pale face...the bloody floor and her lifeless body that can be seen throughout the room...Pati ang kanyang huling paghinga ay hindi ko pa rin makalimutan. Tila ba bangungot iyon na patuloy pa ring nakaukit sa aking isipan.

Bawat hakbang patungo sa kwarto niya ay may kaakibat na bigat sa aking dibdib. Dahan-dahn kong tinahak ang daan patungo sa loob niyon. Wala pa ring nagbago. Lahat ng gamit ay ganoon pa rin. Para bang walang anumang masama ang nangyari sa kwartong iyon.

Agad kong tinungo ang mga closet at drawer para maghanap ng kung ano. Nang wala akong makitang kakaiba ay nagpatuloy ako sa paghahanap. Bigla akong kinabahan nang mapatapat ako sa bedside table ni Ate Erin. Hindi ko alam kung bakit kumabog ng malakas ang puso ko habang binubuksan ko iyon.

Nang mabuksan ko ang kailalimang drawer ay dali-dali kong tinanggal ang mga papeles sa loob niyon. With my trembling hands, I started to scan and read the papers briefly.

Mafia transactions...money express...drug dealings...

And...Vincent's files?

Bahagya ko iyong binasa. Sa bawat letra at salitang nababasa ko mula doon ay unti-unti rin akong nalinawan. Kinilabutan ako nang pumailanlang sa buong kwarto ang makapanindig-balahibong tawang nagmumula sa lalaking nakatayo sa aking likuran.

"I see that you've been reading my files..." His deep and husky voice sent shivers down to my spine. Goddamn this man. He was such a great actor. If only I'd knew, I would've instantly kill him.

"Vincent?" I gritted my teeth.

He smirked and answered, "The one and only."

---

The Mafia Boss' Unwanted Wife (PUBLISHED) Where stories live. Discover now