File 36: Settled

17.1K 439 114
                                    

Dahil sa mga nangyari, medyo umiwas naman si Karylle kay Vice. Nahahalata naman ito ni Vice pero dahil alam naman niya na siya naman talaga ang may kasalanan, hindi niya masisi si Karylle at tinanggap na lang ang sitwasyon nila... sa ngayon.

Justin: Okay lang ba talaga kayo?

Tumango na lang si Karylle na parang medyo inis pa rin kay Vice sabay subo ng chips.

Tintin: Eh bakit parang hindi kayo nagpapansinan?

Karylle: Naguusap naman kami.

Tintin: Oo, naguusap kayo pero 'oo or hindi' lang ang sinasagot mo.

Justin: Napapansin ko nga kay Vice parang sobrang lungkot niya ngayon.

Tintin: Tsaka hindi na siya nanlalait ngayon. Hindi na siya masungit, kapag tinatanong mo, sobrang hina na lang ng boses niya pagsagot.

Nagtataka naman si Karylle dahil parang lahat naman ng sinasabi nila eh good qualities naman, so walang problema dun.

Karylle: Mabuti nga yun eh, nagbago siya.

Justin: Hindi yun ang point namin, hindi na si Vice yun. Hindi na siya si Vice na kilala namin!

Tintin: Sobrang depress siya ngayon, kausapin mo kaya ng matino. Magusap kaya kayo!

Justin: Walang magulong usapan ang hindi naaayos kapag naguusap.

Napaisip naman si Karylle at medyo naguilty sa hindi niya pagpansin kay Vice sa loob ng ilang linggo. Patuloy lang sa pagkain ng chips si Karylle ng maalala na naman niya yung pinagdaanan niya nung nagkabagyo, naalala na naman niya na kahit isang beses hindi man lang siya nadalaw ni Vice.

Karylle: NO! Bahala siya madepress, wala akong pake!

Nastress naman si Justin at Tintin dahil mukhang nagkapalit na nga ng ugali si Karylle at Vice ngayon.

Tintin: Ewan ko ha, basta sinabihan ka na namin Karylle. Kapag si Vice nag-commit ng suicide diyan sa awayan niyo, sinasabi ko sa'yo!

Justin: Masyado pa namang emosyonal si Vice.

Nanlaki naman mga mata ni Karylle at nagulat sa mga sinabi nung dalawa. Kahit naman hindi sila okay ni Vice ngayon, syempre andun pa rin yun pagaalala. Kumbaga, tampuhan lang naman pero mahal pa rin niya si Vice.

Justin: Pano kung biglang kumuha ng lubid yun tapos magbigti sa cr.

Naiimagine naman ni Karylle lahat ng sinabi ni Justin. Nakikita niya si Vice na may hawak ng lubid at magpapakamatay.

"I'm sorry. I know I'll only hurt you... I know I'll only make you cry." -V

Nakikita niya si Vice na umiiyak bago pa man ituloy ang gagawin niya.

"This is the end. I love you, goodbye." -V

Natetense na si Karylle ng biglang sumingit agad sa imagination niya yung mga pinagsasabi naman ni Tintin.

Tintin: Oo nga noh, pero mas malala kung maglaslas siya!

On Karylle's imagination, may hawak-hawak namang kutsilyo si Vice, nakatapat na ito sa kanyang pulso at bago pa man ituloy ang plano niya, nagbigay muna siya ng last words sa pinakamamahal niyang si Karylle.

"Alam kong mali ako, pero hindi ko na talaga kaya yung pagiwas mo. Paalam, mahal ko." -V

Hindi na makayanan ni Karylle yung mga naiisip niya ng sumingit na naman si Justin. Walang paawat ang dalawa sa pagkonsensya sa ginagawa ni Karylle. 

Operation: Marry MeWhere stories live. Discover now