Chapter 51: Knowing the Dark Stranger

2.7K 70 0
                                    

CHI-CHI'S POV

Kasama pala sya ni Nana na pumunta dito sa mansion ni Sir Darcus.

Parang nagkatotoo yung panaginip ko noon. NIligtas ako ni Yosef. Kaya hindi natuloy ang kasalan.

"OKay ka lang ba?" hinawakan nya ang kamay ko. Narito kami ni Yosef sa bakuran ng mansion.

"Oo. Mabuti na lang nandito ka."

"Haha.. nakakalungkot.. ginawa ko yun para tulungan ang karibal ko."

"Huh?"

"Aish.." ginulo nya ang buhok ko. "Namiss kita.." mukang malungkot pa rin sya.

"Kamusta ka pala? Nagwowork ka na?"

"Oo.. Nagwowork ako para sa isang taong di ko gustong makasama."

"Huh?" may kaaway yata sya. "Kaaway mo yung boss mo?"

"Haha.. hindi namin gusto ang isa't-isa. Kaso kailangan namin magtulungan para sa success ng company."

"Uhh.. okay lang yan. Magkakasundo pa rin kayo nyan. ^_^"

"Di ka nagbabago Chi-chi. Napaka-optimistic mo pa rin. Kamusta na pala? Balita ko, ikakasal na dapat kayo ni Matt? Bakit di ka nila hinahanap?"

"Hindi ko alam. Pero pauuwiin naman na siguro ako ng lolo mo."

"Bakit malungkot ka ata na aalis dito?"

"Aish.. dito kasi.. kasama ko ang lahat ng alaala nya. Pag umalis na ko dito, mamimiss ko na naman sya lalo.."

haisst.. masakit pa rin ang pagkawala nya. Naiiyak pa rin ako..

"So pinatawad mo na sya?"

"Matagal na.. mahal na mahal ko yung psycho na yun kahit nagawa nya yun. Alam ko namang.. hindi nya talaga sinasadya. Akala nya, kasama si papa sa mga taong gustong kumuha sa kanya. Nadamay lang nya sa sobrang galit nya."

"Sa tingin ko, yan din ang iniisip ngayon ng papa mo kung nandito lang sya. Aksidente yun. HIndi gustong gawin ni SEirran yun sa papa mo."

"Tama ka.. kaso, pinagbayaran pa rin nya ang nangyari. Kasalanan ko."

Hinawakan nya ang kamay ko, "Chi-chi, tama na. Papa mo yung namatay.. naiintindihan kita. Sigurado ako, naiintindihan ka rin ni SEirran."

"Sana.. pero huli na ang lahat.. wala na sya.."

"Wag ka na umiyak. Sigurado hinihintay ka na. Pumasok ka na dun sa loob. ^_^"

"Ikaw?"

"Uuwi na kami ni Nana.. pero babalikan kita para pakasalan kung malungkot ka pa ring aalis dito." nagulat ako nang biglang sumeryoso si Yosef. "DID YOU HEAR THAT?"

"O-oo.. di mo ko kailangan sigawan Yosef =_="

"Ay.. nasigawan kita? Sorry Chi-chi.." niyakap nya ako.

Malinis na ang garden. Tapos na ang kaganapan.

Nandito ako ngayon sa kwarto nya. Dito ako pinapunta ni Sir Darcus. Linisin ko raw ito.

Pero humiga ako sa kama nya. Niyakap ang lahat ng parte nito. "Seirran.. ayoko makasal sa iba.. ikaw lang ang mahal ko.. ikaw lang ang gusto ko pakasalan.. bakit mo kasi ako iniwan agad.."


Sa kakaiyak ko.. nakatulog pala ako. Madilim ang paligid. Madilim ang buong kwarto pagkadilat ko. Pero nagulat ako nang maramdaman kong may nakaupo sa gilid ng kama.

Agad akong napaupo at hinahanap ang switch ng lamp. "AAAAAAAA!!!"

HINAWAKAN NYA ANG KAMAY KO!

Pinigilan nya ang kamay ko na buksan ang lamp.

"S-sino ka?" natatakot ako sa pagtatanong. Natatakot ako sa kanya.



bIglang humangin nang malakas sa labas ng terrace. Nilipad yung curtain na nakatakip doon.

Pumunta sya doon para isara yung pintuan ng terrace. Pero nagulat ako nang masinagan sya ng liwanag ng buwan.

Parang kilala ko sya.. parang sya yung..

"S-sino ka?! I-ikaw ba yung.. kumuha sa kin noon? YUng kumidnap sa kin noon?"

Magsasalita pa sana uli ako pero bigla syang lumakad palapit sa kin at muntik na kong sumigaw!

Sisigaw sana ako pero.. niyakap nya ako.

"S-sino ka ba talaga?"

"Wag kang mag-alala.. hindi kita sasaktan."

Teka.. ang taong to..

"Oo, kinuha kita noon. Kaya wag kang mag-alala niyakap lang naman kita noon nang magdamag katulad ngayon." Pinagmasdan kong mabuti ang buhok nya.. pero kulay itim. Itim na itim.

"Wag kang matakot.. Chi-chi."

"S-sino ka?"

HUminga sya nang malalim.. hinigpitan ang yakap sa kin..

"Nareul ij imal ayo.."

Don't forget me.. natatandaan ko pa na iyon ang ibig sabihin non. Tinuro sa kin ni papa yun bago lumala ang sakit nya noon.

Tinuro nya sa kin. Para kapag nakalimutan na nya ako, sabihin ko lang daw sa kanya yun.

"Hindi kita kalilimutan.. Seirran."  

I'LL MARRY A VILLAIN [Completed]Where stories live. Discover now