Chapter 15: His Plan vs. Her Plan

3.8K 84 0
                                    

LUICHI’S POV

Hindi ko alam kung pa’no nangyari to. Ang alam ko, ayoko na sana ituloy pa yung plano ko, dahil nga sa nalaman kong fiancée pala ni Clark si Cray. Ayoko namang maging dahilan para magalit si Cray sa fiancée niya.

“Chi-chi! Kanina ka pa pala dito?” pero dahil nga sa in-insist ng babaeng to na ituloy e wala akong nagawa. =_=

Week end ngayon.. maaliwalas ang panahon hanggang sa nagkasalubong ang dalawang kuryenteng nagmula sa mga mata ng dalawang lalaking magkaharap ngayon.

Kasama ko syempreng pumunta dito ay ang masamang nilalang sa napagkasunduang meeting place na kung tawagin ng karamihan ay Lovers in Park. Ako ang nag-suggest. Favorite place namin to ni Knight ^///^

“What a Stupid Place.” Syempre yan ang sasabihin ng isang walang magawang maarteng kontra-bida sa tabi ko. Psh.. may masabi lang. 

“Alam mo, panira ka talaga ng trip e. Buti nga naisipan ko pang makipag-date sa’yo. Psh..”

“A-ano?! >///>” 

“Uhh.. para kunwari totoo tayo sa paningin ng mga tao..” Aish tama naman e. E bakit ba kasi kung maka-React ang lalaking to parang natatae lang. Psh.. 

“Mas ma-appreciate ko pa kung tayong dalawa lang. (_--)”

“Akala ko ba okay lang sa’yo? E di wag ka na sumama—“sabay alis ko sa tabi niya pero mabilis niya akong nahigit sa kamay.

“Okay ka lang? Alone with another couple?” 

<..<#

Epal talaga to, muntik pa kong matalisod. Makahigit wagas! Grrr!

“Done fighting? How sweet. ^__^#” si Clark. Naku halata kong selos na selos na ang Clark na to sa pag-iinarte sa kin netong masamang nilalang na to. =..= “Let’s go Yosef.” Sabay higit niya kay Knight. “Follow us ha!” utos naman niya sa min ng halimaw na to.

=_=#

Kung makakapit naman ang babaitang ire sa Knight ko oh.. Wagas..

Napansin ko namang hindi umiimik si Knight. Oo nga pala, may tampo ata sa kin to. At mukhang nadagdagan yun dahil hindi niya alam na double date ito.

-FLASHBACK-

“That’s Yosef, right?” tanung sa kin ni Clark pag lapit namin kay Knight. Jusmeng kahihiyan to, makausap lang ng sarilinan si Knight kailangan pa naming abangan tong lumabas mula sa CR ng boys. =///=

Tumangu-tango lang ako at hindi ako makatingin ng diretso sa Knight ko.

“Hi Yosef, long time no see. I’ve been so amaze now that you’ve grown up more handsome than Sei..”

Napangiti lang si Knight na halatang may pag-aalinlangan.

“Are you free on Saturday?”

“Huh?” halatang nabigla siya sa tanung ng babaeng to. >///<

Tapos napalingon sa kin si Knight nang may What’s-the-meaning-of-this-look sa muka niya.

Syempre ako walang magawa kundi tumingin sa malayo. TT^TT I’m sorry Knight kung magmumukang binubugaw kita sa babaeng ire. Pero ginagawa ko to para masolo mo ako. Gulp.

“Times up. So I think it’s a yes. Then we’ll have a date on Saturday. Okay?”

Wow. Hanep magmando ang isang to.

I'LL MARRY A VILLAIN [Completed]Where stories live. Discover now