Chapter 2:"Welcome To LIHS"

5.5K 120 5
                                    

Chi-chi’s POV

Wew, Nagkita na naman tayo.

Lee International High School.

At one year na tayong magkakasama. Nakakakilabot.

Gate pa lang kasi, bonggacious na! Makapasok na nga lang.

Wow.

Parang nasa loob talaga ako ng isang Castle! Ang laki pa ng fountain sa gitna o! Mas lumaki ata compared sa nakita ko dati.

Walang pinagbago ang ambiance. Super rich pa rin ang bawat sulok! Kala mo puno ng golds at diamonds. Para bang lahat kumikintab!

Pero bago ko pa maisipang maglakwatsa sa loob nito, kailangan ko munang hanapin ang classroom ko!

Ay mali! Classroom pala namin..

.. ng Mine ko. 

Hohoho! Yeah yeah yeah!

Nilagay ako sa section A dahil pumasok ang average ko sa ceiling grade nila.

Buti na lang ginalingan ko nung 3rd year!

Inspired e!

Wait.. tanungin ko muna ang isang lalaking to na palapit na sa way ko huh.. stay put lang kayo.

“Excuse me, nasan ba yung building ng mga 4th year students?”

 Ano ba hitsura ko? Bakit makatingin si kuya sa kin, from head to toe?

“Tsk, transferee ka no?”

“O-oo..” 

“Tsk.” He smirked with rolling eyes. Taray!

“Section mo?”

“Uhm, A.”

“Tsk! Malas mo! Ayun! Yung pinakamalaking building na yun! Nandun ang room niyo!” A, so yung nasa gitnang building. Pinakamalaki nga siya..

“Mag-ingat ka. Dahil nasa section A yung pinakamasamang nilalang dito. Tsk.”

Pinakamasamang nilalang? Meganon?

“T-talaga?”

“Mukha ba akong sinungaling?!” Oo. “Marami akong alam dito no! I’m The president of SSC dito!”

“Uh.. bakit naman pinakamasamang nilalang dito yung tinutukoy mo?” I ask with hesitation on my tone.

“Kasi..” lumapit siya sa kin at bumulong. “Siya ang mastermind ng pinakasikat na grupo dito. Grupo sila ng mga gangster.”

“Mastermind? Gangster? E?”

“Mga tauhan niya ang grupong yon.”

 Bakit may ganun? Medyo naniniwala na ako e. Gulp..

“Bakit pinapayagan silang mag-aral dito? E alam naman nilang masasama talaga ang mga gangster?”

“Sila lang ang gangsters na nag-aaral dito. Yung grupo kasi  nila, binubuo ng mga anak ng pinakamayayamang tao dito sa bansa natin.”

“T-talaga?”

“Ang balita ko, may mga malalaking share ang mga parents nila sa companies ng owner ng school na to. Kaya dito na rin nila pinag-aral ang mga anak nila.”

I'LL MARRY A VILLAIN [Completed]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt