Chapter 3: The Dark Villains

5.2K 120 8
                                    

CHI-CHI'S POV

Pakelam ko kung di ko pa kilala yun? Sino ba siya?

“E ano?! Basta yang kasama mo, mukhang Manyak!”

Aja! Chi-chi! Ganyan nga, hwag kang papaapi!

“Oi ikaw!” sabay turo ko pa salalaking nangangamatis na ang mukha. Ewan ko ba, biglang ang tapang ko na bigla. Ngayon lang ako naka-encounter ng ganitong scene, at binalak ko pang magmatapang. =_=

“Kung ayaw mong napapahiya, BOY-BLONDIE SLASH PERVERT, wag na wag mo nang ulitin ang bastusin ang isang babaeng katulad ko! Okay?!”

Lalong sumama nag tingin niya sa kin.

“Seirran! Halika na! Kilala ko na!”

Napalingon ako pati si smiling face sa taong sumigaw sa di kalayuang  lugar sa likod nila.

Habang ang isang to, parang statue ang peg sa harap ko. 

“Lika na Sei, nakita na pala yung G*GO,” sabi nung smiling face.

Nilingon siya nito pero bumalik agad ang paningin niya sakin. “Hindi pa tayo tapos, Miss ENGOT.” Nanggigigil niyang sabi sa harap ko.

At lumakad na siya paalis matapos niya ako bigyan ng death glare.

“MAYABANG KA! AT FYI! ANG KAPAL NG ILONG MO! SAKSAK MO SA KOKOTE MO KUNG MERON KA, HINDI MO AKO STALKER! PWE!” Tsk! ENGOT pala huh..

Napalingon siya nang isigaw ko yun. Syempre, another death glare. Tsk, yun lang ba kaya niya? Tsk..

“Next time na siya, Sei..” dinig kong saway sa kanya ni smiling face. Tsk, smiling face talaga e no.

E sa hindi ko naman sila kilala no. sino ba yang mga yan. Ang yayabang, narinig ko pang nag-ienglish-english. Although, carry nila kasi mukhang sosyal ang mga mukha nila. Meaning, may mga hitsura kasi sila. At infairness, may face value to the higher level talaga. GWAPO. Sila na! Pwe!

Sinimulan ko na uli ang pagpupulot sa mga libro habang di pa nakaka-recover sa nagyari. “Tsk, yabang ng taeng 'yon ha.” Nagsialisan na rin yung mga usi kanina. Back to work ang lahat.

“Akala mo kung sino.. sino ba siya? E mukha namang walang palag. Tsk!” patuloy kong bulong sa sarili.

“Siya si Seirran Dark Lee. Yung kasama niya, si Keno Mccoy Smith. At yung tumawag sa kanila kanina, si Raegan Sandoval.”

At sino naman ang nilalang na nakatayo sa harapan ko ngayon?!

“K-kilala mo pala sila..” sabi ko habang naka-look up sa kanya. “B-bakit mo sila pinapakilala sa 'kin?”

“E kasi narinig ko yung mga tanong mo kanina dyan. E wala namang ibang nakarinig kundi ang tenga ko.”

Huh? N-naririnig niya bulong ko? “S-san ka ba galing? P-panu mo narinig mga bulong ko?” 

“Kanina pa ako nakikinig sa inyo. Ang ingay-ingay nyo. Dinig na dinig ko kayo mula sa loob ng room.” Sabay turo niya sa room na nasa likuran niya. May malaking glass window ito pero hindi mo makikita ang nasa loob dahil may nakatakip na office curtain something doon. Di ko alam tawag don, yun bang may de-hilang tali tapos aangat siya. Basta yun. Hehe. Hehe. Engot ko pala talaga. Hehe.

“Ganun, sorry.” Sabi ko sa kanya.

Then nagpatuloy ako sa pagpulot ng mga libro at pinag-papatong na ito.

I'LL MARRY A VILLAIN [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon