Chapter 50: The Past Whole Story (Part 2)

2.5K 70 1
                                    

DAVID'S POV

Kitang-kita ko sya. Mula sa kotseng sinasakyan nya, tinarget nya yung matanda.

Nagkatinginan kami.. ng papa ni Matt.

Buong akala ng lahat, nabaril ni Seirran yung matanda.

Ako lang ang nakakita ng lahat nang iyon.

Kaya ako.. ang nilapitan nya para...

"Sir Davis, break time nyo na po di ba?" lumapit sa kin ang isa nyang tauhan habang mag-isa akong naglalakad sa school field. "Pwede po ba kayong makausap saglit ni Sir?"

Lumingon sya sa sasakyang pinanggalingan nya sa labas ng gate. Napatingin ako don. Hinintay ang pagtanaw sa bintana ng taong yun.

Nginitian nya ako pagkakita ko sa kanya.

Doon sa loob ng kotse, kinausap nya ako. "Tumahimik ka..kung ayaw mong mawalang bigla sa'yo ang parents mo. Wala ka pang sinabihan sa kanila.. di ba?"

Nanginginig ako sa takot.  "W-wala po."

Pagkatapos ng nangyaring yun, hindi na pumasok sa school si Seirran.

Dinalaw namin sya.

Pero hindi nya kami hinarap. Takot na takot sya. Takot syang lumabas ng kwarto nya. Ang sabi ng mama nya.

"Ang sabi nya sa kin, napatay na nya yung mga taong kumidnap sa kanya noong nasa Korea pa kami. Umiiyak sya, pero halong emosyon ang pinapakita nya. Natutuwa sya.. pero natatakot sya.. dahil nakapatay sya." malungkot na kwento sa min ni tita Chae Won.

"Pero hindi sya dapat kasuhan dahil self defense ang ginawa nya. Niligtas nya kayong lahat."

Ilang araw pa bago pumasok uli si Seirran.

Parang nag-iba sya. Mas lalo syang naging matapang at malakas. Marami kaming napatumbang kalaban dahil sa malaking tulong nya. Malakas sya..

"Davis.. nagkagusto ka na ba sa.. isang tao?"

"Ha?" nabigla kami ni Evan sa tanong nya. Nkasakay kami ngayon sa sasakyan nya.

"B-bakit naman nagtatanong nang ganyan ang Master?" Evan

"Uhm.. gusto ko lang malaman kung pano mapapalapit sa taong gusto ko." seryoso sya. Hindi ko inaasahang makita at makausap sya ng tungkol sa ganung bagay.

"Ah.. sino ba yung.. taong gusto mo? ^_^" tanong ko. Ngumiti lang sya sa kin.

Huminto ang kotse sa tapat ng isang bahay. "Dito sya nakatira."

"Parang may lamay sa loob Master." Evan

Bumaba kami para makita kung anong meron.

Hanggang sa nakita namin yung picture nung namatay.

Nakita ko ang takot sa muka ni Seirran. Parehas kaming natakot sa nakita namin.

"May lamay nga." sambit ni Evan. Nasa labas kami ng pintuan. "San dyan yung taong gusto mo Master?"

Nakita namin sa isang tabi yung babaeng panay ang iyak. "Papa.. papa bakit mo kami iniwan?"

Nakatitig sa kanya si Seirran. "W-wala dito. Wala sya."

Yung babaeng yun, kasing edad lang namin. Alam kong sya yun.

Yung nilalamay.. sya yung matandang pinatay ni Mr. Enciello.

Anak nya, yung babae.

Yung taong gustung-gusto ni Seirran..

"Alam mo na? W-wag kang mag-alala anak ko.. hindi mo kasalanan. Hindi mo alam na hindi sya kasama sa grupong gustong  kumuha sa'yo. Walang makakaalam, pinatikom na namin ang bibig ng mismong asawa nya."

EVAN'S POV

"Matagal akong nanahimik para sa magulang ko. Pero ngayong wala na sila para ingatan ko, ibubuwis ko sarili kong buhay matulungan lang ang kaibigan natin. Bayad na rin to sa kasalanang nagawa ko sa kanya."

Kausap namin ngayon ang mama ni Chi-chi. Nasa bahay nila kami ni Davis. Ipinapaliwanag na namin ang lahat-lahat.

Para linisin ang pangalan ni Seirran.

"Sa ngayon, sinisiyasat na nila kung magtutugma ang balang nakapatay sa asawa ninyo at ang baril ni Mr. Enciello. Mabuti na lang at naitago nyo pa ang ebidensya." patuloy ni Davis. "Sorry po uli sa nagawa ko."

"Ang mahalaga nalaman na namin ang totoo. Malilinis na ang pangalan ni Seirran." nakangiting pagpapalubag-loob ni tita Halena kay Davis. "Kamusta na pala ang anak ko doon? M-makakauwi na ba sya?" baling nya sa kin.

"Sana po. Kasi nakaisang buwan na po sya dun e. Pero si Master kasi.. baka hindi pa payagan ni Sir Darcus na makaalis si Chi-chi.."

"B-bakit?"

CHI-CHI'S POV

"Itigil ang kasal."

Napalingon kaming lahat sa likod. At nagulat ako sa taong papalapit sa kin ngayon.

"Halika na.. hindi ka dapat ikasal sa iba."

HIngit nya ang kamay ko. At kinaladkad papalabas sa garden.

"Lolo.. pasensya na, pero mahal ko rin ang babaeng to. Hindi ako papayag kung mapunta lang sya sa isang kumag na yan."

"Psh.. pero hindi ko gustong agawin mo sya uli nang ganun na lang." sagot ni Sir Darcus.

Tumuloy na kami sa paglakad. Pero huminto ako nang makalayo kami sa garden.

"Bakit?" lumingon sya sa kin.

"Yosef.. thank you :)"

 

I'LL MARRY A VILLAIN [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon