Chapter 44: A Crime from the Past

2.3K 66 1
                                    

"Mama, nandito na si Matthew. Gusto nya kayong makilala ^_^"

"Talaga? Papasukin mo na sya, umuulan sa labas oh."

Malakas ang ulan. Mabuti na lang at nandito na kami sa bahay. Kumukulog pa man din.

"Halika na Matthew.."

"Hi, ikaw pala si Matthew.." napalingon ako kay mama dahil parang humina ang boses nya. Napalingon ako sa kanya.

Para syang nakakita ng multo.

Nakatitig sya kay Matthew..

"John?"

Nagulat ako sa biglang pagkidlat sa labas.

_________________________________________________

Overview lang yan...

_________________________________________________

CHI-CHI'S POV

"Chi-chi, you know what, may new friend si Cray, tall, dark and handsome.." Clark

Nandito ako ngayun sa Music Room.. tumutugtog ng pathetique..

Hindi ako marunong tumugtog ng piano. I mean hindi ako marunong magbasa ng notes.

Sinubukan ko dati magpaturo kay Yosef..

Kaso di ko talaga ma-gets. Kaya sumuko ako.

Ewan ko ba, ngayon ako pa ang pumilit kay Matthew na turuan ako kahit isang piyesa lang. Ngayun natutugtog ko na sya nang buo.

Bagay na hindi ko nahiling sakanya...

Naiiyak pa rin ako sa twing maaalala ko siya.

Pagkatapos nung malaman kong ikakasal na nga sila ni Frans, hindi ko na tinangkang makita pa sya.

Kanina lang nag-iisa ako. Pero ngayon nandito ang mga kaibigan ko. Twing nariyan sila napipigilan ko na ang luha ko.

"Hoy Chi-chi, gusto mo ipakilala kita sa kanya?" tuloy ni Clark.

"Hoy Clark, wag mo ngang binubuyo yan si Chi-chi kung kani-kanino.." Cerise

"Oo nga, di pa nga natin kilala yan e."

"Psh.. gusto ko lang naman pasayahin tong engot na to.." Bulyaw nya sa kambal. "Hoy Chi-chi! Kalimutan mo na kasi si Seisei Oppa! ikakasal na sya, wala na kayong pag-asaness!"

"Chi-chi, halika na umuwi na tayo. ^_^"

Si Matthew. Sinusundo ako.

Nasa labas sya ng pintuan.

"Chi-chi, isn't it awkward? Kasama mo lagi yung kapatid ng nang-agaw kay Seisei Oppa? Duh! Baka kayo pa magkatuluyan!" tuloy ni Clark sa mahinang boses.

"Kaibigan ko naman si Matthew. Kaibigan lang."

"Pero BF, di ba may gusto sya sa'yo?" Bulong ni BF

"Wag nga kayo.. matagal ko nang sinabi na kaibigan lang siya. Saka, kaya ako pumayag na magpabantay sa kanya para di ko na kayo maistorbo pa para lang samahan ako. Natatakot pa rin ako sa mga taong kumukuha sa kin."

"Oo nga, lalo na yung dark stranger na kinuwento ng mommy mo!!! Creepy! Sino yun?!" Clark

"Baka isa sa AFA?" Cerise

I'LL MARRY A VILLAIN [Completed]Where stories live. Discover now