Chapter 9: Aftermath of Her Request

4.4K 93 3
                                    

LUICHI’S POV

Maaga akong pumasok ngayon sa school.

Dalawang araw na rin ang nakalipas mula nang muntik na ko mamatay.

Dapat nga tinuluyan na lang niya ako non. Pero hindi, malupit siya.

At the end of that day, pinili ko ang ‘Do’.

Do all he wanted me to do.

Ayoko kasing pinapatay habang buhay. At ayokong mamatay ang ‘Buhay ko’, katulad ng sinabi niya.

Pero hindi pa ako handang gawin ang gusto niyang mangyari. Kaya binabantayan ko muna si Knight.

Baka may iba pang paraan para maiwasan sila. At naghahanap ako. Ako naman ang may kasalanan, nabubugbog ulit siya nang dahil sa kin.

Ang sabi ko kay Knight kahapon, hintayin ko siya dito sa gate ng school. Para makapasok siya sa loob ng maayos.

Nakita ko kasi kahapon yung mga sugat niya sa mukha. Habang hinahanap ko siya para sabay kaming umuwi, nakita ko siyang nakaupo sa likod ng building namin, sa tapat ng malaking bahay na yon, bugbog ang katawan at hinang-hina.

Kaya pala ang tagal ko siyang hinihintay sa gate ng school. Ayun pala siya, gula-gulanit na. Gawa ng Dark Villains. May nakita akong itim na panyo sa harapan ni Knight.

Nakakita na ako nun. Nang makitang walang-malay sa harap ng gate yung si Alfie Aquino. May nakatakip na itim na panyo sa mukha niya. Akala ng lahat patay na siya. Nagulat na lang kami nang tanggalin iyon ni Cerise, nakadilat pala siya. Saka tumayong pilit. Tumakbo nang mabilis na akala mo di binugbog. Ang sabi ni Cyrene, sa sobrang hiya daw kaya ganun. Pang-anim na beses na daw yun ng pambubugbog sa kanya ng Dark Villains.

Bwisit talaga ang mga yun. Hindi lang pambu-bully ang ginagawa nila. Halos pumapatay talaga sila. Wala silang pakelam kung mamatay man ang mabibiktima nila. Wala silang kinatatakutan.

Sobra na sila. Ginawa nilang impyerno ang mala-palasyong school na to.

Gusto ko silang isumbong sa School’s Principal. Yun ang unang pumasok sa isip ko nang maghanap na ako ng paraan para tigilan nila kami. Pero ang sabi ni Knight..

-FLASHBACK-

I'LL MARRY A VILLAIN [Completed]Where stories live. Discover now