Chapter 7: The 2nd Battle

4.4K 104 2
                                    

Yosef’s POV

 

 

Haisst. Nakakainis talaga!

Nalaman kaagad nilang dito na mag-aaral si Chi-chi! Kaya gumagawa na naman sila ng kasamaan laban sa kin..

Nandito pa rin ako sa loob ng gym. Di na ako pumasok kasi late na rin saka.. ayokong magpakita agad kay Chi-chi nang ganito. Nang may bangas sa mukha. Mahilig pa naman magtapang-tapangan yon, baka sugurin nya pa ang mga yun. Gagamutin ko muna to at maglalagay ng concealer. Technique ko to everytime na mababasag ang muka ko. Haha joke. Pero bumili talaga ako nito para di mag-alala si Chi-chi.. Basta.. Ayokong nag-aalala siya nang dahil sa kin. Kung anu-ano kasi nagagawa nun.. naku, yung book nga pala.. shet talaga yung mga yun!

Maya-maya, nag-bell na sa wakas. Break time na.

Pagkatapos kong gamutin ang mga sugat sa ko, nagbihis na ako ng school uniform. At dali akong pumunta sa building namin para sunduin si Chi-chi sa room namin. Tinext ko na siya na hintayin niya ako doon.

Pero bago pa ako makapasok sa elevator, sinalubong ako ni Misty na kalalabas lang sa elevator. “Oi Yosef! Bakit di ka na pumasok?! Ano bang nangyari sayo ha? Bakit ganyan na naman mukha mo?!” nakakatawa talaga tong Misty na to. Super concern sa kin. Naka-kunot pa ang noo.

“Concern ka na naman dyan.” Sabay ngisi ko.

“Alam mo yan!” Tsk. Prangka talaga tong babaeng to. Hindi ako assuming na lalaki. Alam ko lang talagang may gusto nga sa kin yan. Siya mismo nagsabi sa kin.

“Oo na..” sabay pasok ko naman sa elevator.

“Pupuntahan mo si Chi-chi?”

“Yup. Bye!” Then nag wave na ko sa kanya para magpaalam at makapasok na sa elevator. Before naman mag-close ng elevator, nakita kong nag pout siya ng lips. Tsk, normal na sa kin ang reaction nyang yan. Natawa lang naman ako pag ganyan sya. Bitter kasi yan sa kin sa twing pag-uusapan si Chi-chi.

Pero chill lang kayo, ganyan lang talaga yan. Mabait naman yan. Naintindihan  nyang, mahal ko talaga si Chi-chi. So she already accepted the fact that we’re not going beyond our being friends to each other. Saka friend din niya si Chi-chi. Umaarte lang yan. Arte-artehan din pag may time. Haha!

Maya-maya pagbukas ng elevator sa 2nd floor, nagkasalubong kami ng tingin ng bagong pasok na lalaking to sa elevator.

Tahimik talaga siya. Ni hindi ko pa naririnig magsalita ang isang to kahit kailan.

Pero alam ko kung gano kainis sa kin to.

Teka, hindi niya ata kasama yung genius sa kanila? Si Davis ang tinutukoy ko. Lagi kasi silang magkasama nitong si Russet na nasa tabi ko ngayon. At.. classmate ko sila since 1st year.

Mukhang nagpa-iwan ata sa library si Davis, nasa 2nd floor na kasi ang library—

BLAAAAGGG!

Nagulat na lang kami nang huminto ang elevator. Paakyat na sana to sa 4th floor.

AISH! Nawalan ba ng kuryente?!

“Hala..” sambit ng babaeng nasa likod namin. Kasama niya ang isang pang lalaking katabi niya.

I'LL MARRY A VILLAIN [Completed]Where stories live. Discover now