Chapter 11: All Bow To Me

3.7K 102 3
                                    

LUICHI’S POV

 

“Knight..”

 

Nakita ko siya. Natuwa ako dahil nandito na siya at nakatingin sa akin.

Pero nakita ko rin ang pag-iling niya. Habang nagpapakita nang maraming emosyon ang mga mata niya.

Ilang saglit pa.. bigla siyang tumakbo paalis sa maraming tao. Sinubukan kong sundan siya agad.

Dahilan para mahigit ko siya.

Ang masamang nilalang na to.

Hawak nga pala niya ang kamay ko. Kaya natigilan ako sa pagkilos.

Naramdaman ko namang biglang nakawala ang kamay ko. Tumingin ako agad sa kanya. Sa mga mata niyang tumatawa na ngayon.

Hindi ko gusto ang tingin niyang yon.

Ngayon ko lang nakitang natutuwa ang kanyang mga mata ngayon. Pero hindi ko gustong makita yun nang ganun ngayon.

 

“Watch your steps.”

 

Hindi ko alam kung anong ipapakita kong reaksyon sa sinabi niyang yon. Para sa ibang nakarinig, pinapakita niyang concerned siya sa kin.

Pero ang dinig ng isip ko, warning niya yon.

 

“Ladies, please excuse my fiancee, she needs a retouch.” Paalam niya sa dalawang babaeng katabi namin ngayon.

“I guess that’s because she’s overjoyed? Son, be careful of her feelings. She’s a crybaby fiancée. How cute. ^_^ ”

 

“Probably, Mom.” Seirran

Nagtawanan na sila dun. Sabi ko nga mag-ina sila di ba? Pero napatingin ako dun sa isang babae, hindi siya natawa. Nakatingin din siya sa akin. Tumango siya sa kin sign para pwede na ko maka-exit mula sa kanila.

 

“Chi-chi!”

Si Cyrene. May kasalanan pala ang babaeng to sa kin. “Mamaya na lang Cyrene. May hinahabol ako.”

 

“Si Yosef?” tumango na lang ako. “Lumabas siya sa gate.”

 

“Salamat.”

Tumalikod na ako para pumunta sa labas pero bigla akong hinawakan sa kamay.

I'LL MARRY A VILLAIN [Completed]Where stories live. Discover now