Chapter 1: The Little Prince for My Prince

12K 157 16
                                    

 .. nareul ij-jimal-ayo.

Ngayon ko lang naranasan ang sobrang lungkot. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala. Ang bigat sa loob. Di ko na alam ang gagawin. Kaya..

Sumama ako sa mga classmate ko. Inaya nila ako na pumunta daw sa bar.

Di ko sila ka-close. Grupo sila ng mga pa-social at walang ibang gawin kundi magpasaway sa lahat ng bagay. Kaya naman iniiwasan sila ng mga matitinong tao dito sa school. Isa ako sa umiiwas na yon. 

Kaso di ko sila naiwasan ngayon.. Nilapitan nila ako at dinamayan sa kalungkutan ko. Alam nila ang nangyari sa pamilya ko. Ang bilis naman kumalat. Sa bagay, alam lahat ng teacher ko, so bakit hindi kakalat? E pwedeng-pwede nilang pag-usapan sa kung saan yun at pwede namang may makarinig na mga tsismosang nilalang sa school.

 Pero imbis na mag-react ako nang panunumbat sa pakiki-tsismis nila, nginitian ko sila.

Somehow, na-touch ako sa ginawa nila.

Kinausap ako ng buong grupo nila. Kumbaga parang inaliw na rin. At tinanong nila ako kung pwedeng maging close friends ko sila. Kailangan ko rin daw kasi sila, lalo na ngayong wala ang best friend ko. Absent siya.

Naging interested tuloy akong sumama. 

2nd year high school students kami. Bansag sa'kin ay Chi-chi. Pero ngayon parang ayoko na sana marinig ang chi-chi, kaso nasanay na ako simula pagkabata e. Naaalala ko lang kasi si papa twing maririnig ko yung chi-chi na yun. Sa kanya ko unang narinig yun.

Ayoko na sana syang maalala pa. Miserable na kasi ang buhay naming mag-ina simula nang iwanan niya kami. Si mama, isang mabuting ina, maaruga, lahat ginagawa para sa ikabubuti naming mag-ama, pero noon 'yon.

Ngayon, sa tuwing papasok ako sa school, iiwan ko siyang tulog pa.

Pag-uwi ko, gising na siya.

Umiinom ng alak.

Nilalasing ang sarili habang inaaliw ang sarili sa kaiiyak.

Sawa na kong makita siyang ganyan. Kahit dalawang Linggo pa lang ang nakakalipas mula nang mawala sa amin si papa.

Ayoko na nang ganito. Mukhang nag-iisa na lang ako sa buhay. 

Akala ko ba hinding-hindi niya kami iiwan?

Sumama na ako, pagkatapos ng klase sa school.

Gusto ko ring magsaya kahit saglit lang. Dahil sa tingin ko panghabang-buhay nang ganito kalungkot ang buhay ko.

Pagdating namin sa bar, nagulat ako nang magsipalitan sila ng damit.

Nagpalit sila ng mga pang party-party outfit daw!

Grabe halos lumuwa mata ko sa mga nakikita kong mga kutis nilang nakakasilaw!

Kulang na lang wag na sila magdamit.

"Chi-chi ! Wear this o.." 

"Seryoso ka ba?"

"Patawa ka ba? Malamang! Sige na! Have fun!"

Hinagis na sa kin yung skinny dress na tube na micro mini sa iksi.

Di ko kaya magsuot ng ganitong dress! Anu ba naman yan!

"Ano ka ba? Pag di mo sinuot yan, palalabasin ka dito. You should have fun here. Try mo na!"

Itulak ba naman ako sa loob ng dressing room! Buti di ako na-out of balance!

Paglingon ko..

BOOOGGG!

Aray namaaaan!  

I'LL MARRY A VILLAIN [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon