Chapter 6: A friend and A bully

5K 105 2
                                    

 

Evan's POV

"Sige alis na ko. Kitakitz sa room."

O? si Chi-chi yun ah? At.. yung lalaki..

Si Yosef.. so dahil pala sa kanya kaya nandito na ngayon si Chi-chi.

"Teka ihatid na nga kita sa building." Sinundan din niya si Chi-chi.

Pagkaalis nila, nadaanan naman ng mata ko ang isang nilalang sa gilid ng gym. Parang.. nagtatago?

Nagulat na lang ako nang makilala ko kung sino ang ungas nay un.

Si Seirran pala. Tsk..

Wait, mukang papasok siya sa gym. Pero bago niya ginawa yon, tumingin muna siya sa paligid.

Ano kayang binabalak ngayon ng isang to? May hawak pa siyang book ata yun or notebook.

>=]

Masundan nga.. sinundan ko siya nang hindi nagpapahalata. Kaso..

Epic peyl.. saktong palabas na siya ng gym pagpasok ko.

"O ano namang ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Wag mo nga kong tinatarantado dyan. Ikaw ang dapat kong tanungin nyan.. sinusundan mo ba ako?"

 

Tsk. High blood much.

"Sira-ulo ka talaga. Napaka-paranoid mo. Bakit naman kita susundan? Ano ko, stalker mo? Ew. Alam mo naming player ako ng school kaya pwedeng maya't-maya e papasok ako dito kahit kelan ko gusto." Ahaha! Ako na defensive much.

Dumiretso ako papunta kunwari sa locker room dahil nakatingin pa rin nang masama sa kin ang lalaking to.

"Syempre. Alam kong PLAYER ka.. tsk."

Tsk. Tignan mo to. May double meaning na naman siya sa ine-emphasize niyang word dyan. "Sira! High blood ka lang e. Tsk, daig mo na naman may period dyan." Sabi ko pagkaharap sa kanya.

"at talagang pinanindigan mo na yang uniform nay an?" sabi niya matapos akong tignan from head to toe. Gurrraaabe na yan.  "Kahit anong pagrerebelde ang gawin mo, ikaw pa rin ang ang leader nila."  Tapos nun, lumakad na siya paalis.

Tsk. Tama siya. Nagrerebelde ako. Sa kanila..

Sa mga ka-grupo kong Dark Villains.

Kaya naka-school uniform ako ngayon. Simula pa kahapon.

Ako si Evan Yoon.

4th year, section A student dito sa LIHS. Half-Korean. MVP ng Basketball team sa school na to.

Ang parents ko ang isa sa may pinaka-malaking share sa Business Company ng mga Lee dito sa Philippines. Kaya naman dito na rin nila ako pinag-aral. At sa kasamaang-palad, hindi nila inaasahang mapariwa ang buhay ko mula nang makilala ko si Seirran Dark Lee. Siya lang naman ang nag-iisang anak ng may-ari ng LIHS. Ipinasok niya kasi ako sa kalokohan niyang Group ng Dark Villains. At dahil sa bored ako, oo na lang ako nang oo. Kaya eto ang sinapit ko ngayon. Haist.

Nakilala ko si Seirran dahil sa kababata kong si Matt Enciello. Siya ang former leader ng Dark Villains. Pero bigla kasi siyang nawala pagkatapos ng nangyaring trahedya sa kanila nung 3rd year.. wala pang nakakaalam, ewan ko lang sa family niya.. at hindi ako involve dun. Dahil ayokong ma-involve. Though nakita ko ang lahat. Pero I swear hinding-hindi ako magsasalita about dun.

I'LL MARRY A VILLAIN [Completed]Where stories live. Discover now