Chapter 10: I'll Marry A Villain (Part 1)

5.2K 103 0
                                    

LUICHI’S POV

Nang matapos ang last subject namin, dumiretso ako sa gate sa likod ng school. Doon kasi kami maghihintayan ni Knight pagsapit ng uwian.

Iyon ang napagkasunduan namin, kasi hindi naman napapadaan dito ang Dark Villains ayon kay Knight ko.

Pagdating ko, wala pa si Knight.

Hintay lang muna ako. ^_^

Baka may inasikaso pa sa team nila. Nauuna kasi lagi yung lumabas ng room. At laging nauuna siya sa kin dito sa back gate.

Hmm.. napapansin kong madalang lang talaga ang napapadaan dito. At sa awa Ni Lord e wala pa naman akong napapansing bagay o tao na delikado dito. Paglabas kasi dito e isang subdivision na madadaanan mo.

Hintay lang ako dito. ^_^

 

 

“WAAAAAAAHHH!”

0_0

A-ano yun?

>_>

Nakita ko ang isang lalaking tumatakbo. Mukhang papalapit siya dito sa school.

Parang dinaga ang puso ko sa sigaw niya. Napansin ko ang suot niya. School uniform dito sa school. Siguro nakikipaghabulan lang sa mga kaibigan niya.

Hintay lang ako dito. ^_^

 

“AHHHHHCKK!”

>_>

Napalingon uli ako sa kanya, natigil siya sa pagtakbo at nakita ko na lang na nakaluhod siya sa kalsada.

OMG! May umaagos na dugo sa noo niya!

Lalapitan ko na sana siya kaso.. bigla akong kinilabutan.

Nakita kong papalapit sa kanyang likuran ang isa sa mga masasamang nilalang.

Si Raegan.. may pinagpag siya sa kanyang mga kamay. Napansin ko rin ang malaking bato na nasa tabi nung lalaking dumudugo ang ulo.

I'LL MARRY A VILLAIN [Completed]Where stories live. Discover now