Madayang Tadhana

2.6K 30 1
                                    

Tadhana.

Yan yung magsasabi sayo kung tama ang oras para sa inyong dalawa.
Magbibigay sayo ng pagasa sa nararamdaman mo sa kanya.
Pero papaasahin ka nalang bigla.

Madaya ang tadhana.
Dahil kung sino pa yung totoong nagmamahal, sila pa yung iniiwan.
Kung sino pa yung may masayang nadarama,
Sila pa yung pinapaiyak ng lubusan.
O baka yung tao talaga ang may maling nagawa.

Dahil kahit alam nating masasaktan tayo, pinipilit parin natin ang hindi tama.
Dahil kahit araw araw ka ng lumuluha.
Patuloy parin tayong nagpapakamartir,
Patuloy parin tayong nagpapakatanga.

Pero minsan kung kalian masaya ka na.
Biglang babalik sila.
Bumalik sila dahil nalaman na nilang nakamali sila.
Dun mo malalaman na pinaglalaruan ka na naman ng madayang tadhana.

Hugot Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon